Ang Poet N’yo and Eileen at the Saint Therese of the Child Jesus Basilica of Lisieux.
‘Laugh Us Pray’
ME, STARZAN - Joey de Leon (Philstar.com) - February 24, 2019 - 12:00am

Ang Poet N’yo ay isang dakilang patawa

Ngunit ‘wag akalaing puro ganon lang ba

Sapagkat ako rin naman ay palasimba,

Malaking pasalamat sa aking asawa!

 

Sa pagkakataong ito ay pinagsama

Sa sulok na ito PAGSIMBA at PATAWA!

Tatlo sa paborito kong mga istorya!

Kung dito’y nabasa na uulitin ko pa!

 

Sometime November last year nang minsang magsimba

Dun sa Christ the King alas dose ng umaga,

At bago pa natapos ang naturang misa

Ay may mga bata na nagsipag-parada!

 

Naisip kong marahil ito ang style nila —

‘Yun bang trick or treat Halloween costume kumbaga

Na imbes nakakatakot tulad Dracula,

Ginayak nila ay mga Santo at Santa!

 

May nag-Birheng Maria at Mother Teresa

Basta, mga nababasa ba sa Bibliya!

Subalit noong si EBA na ay rumampa,

Hindi lamang natuwa, ako pa’y natawa!

 

Bakit ‘di ka naman hahagalpak sa porma —

Sa leeg n’ya may nakapulupot na sawa!

May mansanas na hawak pa pero eto na —

Sa isang kamay… EDEN cheese ang dala-dala!

 

Ngek! Siguro naman na-gets n’yo ang gimik n’ya?

KESO-hoda sa mga hindi nakakuha!

Dahil ganyan ang humor ko dinagdagan ko pa —

It’s not Adam but it’s EDAM pala! Walang BOLA!

 

Mahal na Araw nangyari ang pangalawa

Nang isang matandang babae ay magsimba,

At nang mag-Station of the Cross na po si Lola,

Kapuna-punang sa KATORSE nag-umpisa!

 

Sa nangyari’y may isa palang nakakita

Na isang naroon din at nilapitan s’ya,

Nagmaganda bang loob at nagpaalala

Kay Lola na PAATRAS ang ginagawa n’ya!

 

Ang matandang babae biglang nagulat pa!

Sagot sa tao, “Ayan kaya naman pala

Habang ako’y nagdarasal aking napuna …

PALAKAS NANG PALAKAS SI KRISTO! Susmarya!”

 

Ang pangatlo ay nangyari habang nagmimisa,

Pari’y nagpaalala sa mga nagsimba

Tungkol sa pagdadamit at cellphone na dala

At bata’y bantayan kanilang mga yaya!

 

Misa’y kasalukuyan nang nag-uumpisa

Nang isang bulilit sa gitna’y naglaro pa!

Tanong ng pari, “Kaninong anak ito ha?!”

Sagot ng isang nagsimba, “SA INYO PO S’YA!”

SAINT THERESE OF THE CHILD JESUS BASILICA
Philstar
  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with