^

Entertainment

‘2019: A PORK-perous New Year!’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star
�2019: A PORK-perous New Year!�
It’s an open book (just like this photo!) Na hindi na kami mga lechon de leche ngayon. Ngek! Pero pwede pa rin kaming paksiwin! That word ends with a win! Happy New Year of the Pig to all!

BUWAYA sa Florida rapsang-rapsa ako!

Nilagang PAGONG natikman naman sa Cebu!

‘Yung likod pa n’ya pangsalok ng sabaw nito!

D’yan sa dalawang ‘yan pareho ‘kong nahilo!

 

Nag-lunch na ako sa Australia ng KANGAROO!

Nag-paella na rin sa Spain nang may KUNEHO!

Nasubukan sa Switzerland steak na KABAYO!

At sa Iceland nag-inihaw na REINDEER ako!

 

I know ‘yung iba d’yan magya-yuck, excuse me ‘no!

Yuck the duck! Eh parang balut lang ‘yan, arte n’yo!

Bakit ba ganyan ang mga reactions ninyo?

Eh ‘yung yuck at yummy simula’y parehong YU!

 

You talaga ‘sabagay kanya-kanya tayo —

May matapang sumubok ng kahit na ano,

At may madirihin kapag may “mukha” lalo!

Higit mga hayop mukhang nagsusumamo!

 

Ayun at agad na naaawa na nga po!

May iba pa nga raw luha ay tumutulo!

Basta ako laban kahit ano isubo!

‘Wag lang DAGA kahit ‘yung “bukid” pa iluto!

 

Teka, bakit ba ang paksa natin ay ito?

Mga hayop na kinakain… tulad ASO?

Ops, medyo kontrobersyal ang best friend ng tao,

Pero aaminin kong nakakain na ‘ko!

 

Sinubukan ko lang noong bata pa ako

Kaya sa magagalit ipagpatawad n’yo!

Hindi na naulit at hindi na nag-take two!

No more aso… HOT DOG na lang ang tinira ko!

 

Eh Year of the Dog pa rin kasi ngayon tayo!

At susunod ating pinaka-paborito —

Dyarannn! BABOY! Year of the Pig na sa Pebrero!

To be exact, February 5 simula nito!

 

Bakit nga ba LECHON ay ating gustong-gusto?

Gayong PIG is eating… kahit ano… ng tao!

Hindi ba’t KABABUYAN pag fiesta ang sentro?

Kung ipapaliwanag ito ay paano?!

 

Twenty-Nineteen na! New Year na after tomorrow!

Naghihintay para sa atin ba ay ano?

Swerte raw sa Year of the Pig ay pulitiko!

At bakit naman hindi’t may PORK mga ito!

 

Ngek! ano naman kaya para sa aming show?

Fearless PORK-cast ko: Pork Belly Good sigurado!

Kasi ang Baboy EAT lang nang EAT ang trabaho!

At BULOG gabi at araw… ‘yun bang MAG-ANO!

 

EAT… BULOG… ganon! ‘Yun lang ginagawa nito!

At baka lang nakakalimutan na ninyo —

First and only mascot ng Eat Bulaga you know,

Walang iba kundi si BIKOY! BABOY ito!

vuukle comment

HAPPY NEW YEAR 2019!

Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with