Picture muna bago prayers — Dec. 8, the feast of Immaculate Conception of Mary, when Eat Bulaga aired for the first time from the APT Studios in Cainta. Our president and CEO, Antonio P. Tuviera (APT) ay ayun at sumisilip sa likod ni Senate Pres. Tito Sotto! Let’s eat! CAIN-TAyo!
‘Jeep Bulaga!’
ME, STARZAN - Joey de Leon (The Philippine Star) - December 16, 2018 - 12:00am

Noong December 5 pagbabasbas ginawa

Sa bagong studio ng Dabarkads sa Cainta!

Patapos nang sasabihin na dito na nga

Tahanan ng Eat Bulaga hanggang magsawa!

 

Pansining “tahanan” ginamit kong salita

Sapagkat sa “bahay” higit itong dakila!

‘Yay ayon sa paring nung blessing nagsalita —

Father Jeff Quintela sa misa nangasiwa!

 

A house is not a home daw kung walang God! TAMA!

Kaya ‘di kami RED HOUSE kung inaakala!

Dahil PULANG-PULA gusali ng Bulaga!

Kami ay isang RED HOME … and your DAILY RED nga!

 

Nung una kong mapasok ako ay namangha

Sa ganda at laking hindi ko inakala!

‘Yun bang kahit pa piliting magpakumbaba,

Ang magmalaki hindi mo maitatatwa!

 

Sa mga nilalaman kayo’y matutuwa,

Lalo sa lingkod n’yong kulang na la’y maluha!

Sa ilang mga sulok ay mananariwa

Dinaanan namin na mga kabanata!

 

Bagong tahana’y pagpapala’t gantimpala

Sa APAT NA DEKADANG aming ipinunla!

Wari ko ba sa sinusulat ngayong paksa,

Kulang pa ang isang libo at isang tula!

 

Nang sa palapag ng mga writers gumala,

Saglit ba akong hindi nakapagsalita

Nang unti-unti’t halos ‘di ko nahalata —

TVJ… ang naglalakihan naming mukha!

 

At sa taong sa lahat ay nagpasimula —

Tony Tuviera, nagbunga iyong pakana!

Here’s something I wrote dahil sa sipag mo’t tyaga —

To the tune of the theme music of Eat Bulaga!

 

Mula sa Q.C. hanggang Cainta

’Yun na binyahe ng Eat Bulaga

Walang preno saya’t tuwa

Walang gusto na bumaba

 

Sa trip natin kahit ma-trapik pa

Mararating kahit sa’n ang punta

Sakay na po’t lalakad na

Ang jeep ninyo... Jeep Bulaga!

 

Sina Tito, Vic at Joey

Sweet drivers n’yo parati

Kayong lahat at libre sakay

Sa jeep na puno ng kulay!

 

Sa trip natin kahit ma-trapik pa

Mararating kahit sa’n ang punta

Sakay na po’t lalakad na

Ang jeep ninyo... Jeep Bulaga!

(CODA)

Sakay na po’t lalakad na

Ang jeep ninyo... Jeep Bulaga!

CAINTA DABARKADS
Philstar
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with