^

Entertainment

‘Spain Nuts’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star
�Spain Nuts�
BELFIES! Left: Ang Poet N’yo and Eileen with the original Berenguela Bell of Catedral Santiago de Compostela. Right: Eileen and the Tsar Bell, the World’s Biggest Bell at the Kremlin in Moscow.

Dahil sa pagsasauli ng BELL… LANGIGA,

Nanariwa sa akin ang FIL-AM na gera!

At syempre kadugtong din ‘yan sa Spanish era,

Here I go again at “ANO KAYA?” gumana!

 

Ano nga kaya’t hindi tayo ibinenta

Ng Gobyernong Kastila dun sa Amerika?

Eh di tapas ako sa gabi at umaga!

At syempre nagkalat ang TAPASILOG sana!

 

Pwera biro, napag-uusapan lamang ba,

Mahirap isipin pagkat walang natira

Sa mga bansa na kanilang binisita,

Religion, salita’t hitsura lang pruweba!

 

Imagine nung araw ang teritoryo nila

Sakop Europa, Oceania pati Africa!

South America, Mexico’t Cuba kanila!

Pati nga ang Puerto Rico ay isinalya!

 

‘Sabagay our family names good pamana na!

Bukod sa pagdami ng mga magaganda!

Maybe taga-discover lang sila talaga!

Singil lang ba’y DISCOVER CHARGE sa Amerika!

 

Ngek! Palagay ko kasalanan ‘yan ng siesta!

Napagod na sa dami kaya nagpahinga!

Malamang si Magellan ang unang turista!

Puro SELL for a FEE! Anak ni Pigafetta!

 

Ngunit ano nga kaya't Pilipinas lang ba

Ang hindi ibinenta't tanging itinira

And up to now sakop pa tayo ng Espanya,

Baka si Nadal dito nakapag-asawa!

 

Naturalmente meron tayong Hari’t Reyna!

Mga aktibista nandun sa Barcelona!

At kung may Eat, Bulaga! ano ang title n’ya?

Malamang “EAT BULLS” and broadcasting from Pamplona!

 

Beso-beso tayo at batian ay “Hola!”

At sa El Corte Ingles tayo ay pipila!

At sa mga McDo nagse-serve ng serbesa!

Wow! Mahou beer ng San Miguel y hamburguesa!

 

Malamang sa hapunan lagi kong comida —

Rabo de Toro o Spanish Bull Tail Stew! Hala!

Pagkatapos ay churros bubuntutan ko s’ya!

Tatapusin ng carajillo at tulog na!

 

Magsasawa sa Mango, Pull & Bear at Zara!

Loewe at Blahnik mga girls mangongolekta!

Sa katakut-takot na wine ay magpi-fiesta!

‘Tsaka Pablo Picasso Avenue ang EDSA!

 

Isipin mo dadami mga senyorita!

Spanish-speaking kahit TAHO itinitinda!

At sa mga adik ang gawing pamparusa —

Isama sa matador… SUOT NAKAPULA!

 

Ngek! Wala nang testing-testing sa droga,

Siguradong si adik tanggal ang tama n’ya!

Sa gagawing ito baka pa makakuha —

Panlaban kay Usain Bolt sa Olimpiyada!

 

Well, hanggang dito na lamang at malabo na,

Sige’t naglalaway na sa jamon at paella!

Bibili pa ng queso mula sa La Mancha,

Maghahanap ng paboritong pintxos… GILDA!

 

Bago nga pala tayo mag-hasta la vista,

Titulo del articulo eh bakit nga ba —

“Spain Nuts”… tunog SPINACH? ‘Di pa ba kuha?

Kasi like Popeye magaling na SAILORS sila!

 

At saka OLIVE OYL marami sa Espanya!

He, he, he… at meron pang isang mahalaga —

They BRUTUS este, brought us Ang Banal na Misa!

Na kaya MASS dahil ginawa sa MAZAUA?

vuukle comment

BELFIES

Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with