Sarria, Spain — This is where we started our Camino Walk-cation! Malinis pa ‘yung mga sapatos namin d’yan!
‘Hola-Day In Hola-Land’
ME, STARZAN - Joey de Leon (The Philippine Star) - November 18, 2018 - 12:00am

To continue aming Hola-day in Hola-land,

In the name of Spain naging makatotohanan —

That our WALK-CATION there IS PAIN of the katawan!

Pero nung natapos SPECIAL naramdaman!

 

Mas masaya ang paglalakbay kadalasan

Pag mga tour guides n’yo may angking kagalingan,

‘Di lang kaalaman sa mga pupuntahan

Kundi sa mga pakwela n’yang words of wisdom!

 

Sa Camino de Santiago na nakaraan,

Si Ignacio at Lorenzo ay salisihan

Sa pagsasabi sa’min mga kaganapan,

At dahil nasa Spain natural may inuman!

 

Si Father Noy na paring aming kaibigan,

Agad nagpaalala na hinay-hinay lang!

Banat agad ni Lorenzo, “Blessed are the drunk

For they see TWO Gods!” Ngek! Syempre nagkatawanan!

 

Ngunit seryong mensahe agad na nasundan —

Na ang Way of Saint James ay hindi competition!

Hindi isang karera o pag-uunahan,

Para sa akin nama’y… a WALK CON PETITION!

 

Tunay na may “nilalakad” kumbagang tulong

At hinihingi ay umaasang pagbigyan,

Kahit hindi… nakapag-exercise ka naman!

Dito lang ubrang sabay for HEALTH… and HELP reasons!

 

Umaraw, umulan at may HAIL pa kung minsan!

Kung kaya nga “Hail Mary” ay sinasabayan,

Sa mga misteryo’t misa ay naiibsan

Ang sakit ng katawan na nararamdaman!

 

Isang karanasang kasama kalikasan,

Tatagusi’y kabukiran at kagubatan!

Kastanyas at kabute ang matatapakan!

May masasalubong pang kuneho kung minsan!

 

Ang Camino ay waring pinagdadaanan

Ng ating buhay — may mahirap at magaan!

May pagtitiisan… may pasasalamatan!

Higit sa biyaya na mga kaibigan!

 

Kung kaya Ang Poet N’yo ay pinag-alayan

Ang APATNAPUNG kilometrong nilakaran

Sa APATNAPUNG TAON ng palatuntunan —

Ng Eat, Bulaga! hanggang sa kasalukuyan!

 

Mga yellow arrows kami ay ginabayan,

Maraming salamat at aming  nakayanan!

 Tinahak ng palabas hindi kadalian,

Tulad ng Camino araw-araw galawan!

 

Sa paglalakbay na ito’y may natutunan —

Kung sakaling pababa ang dinaraanan,

Ang pinakamadali ay may kahabaaan —

Subukang umekis-ekis kaliwa’t kanan!

 

Ang buhay kung dumadausdos pakiramdam,

O wari’y mag-isa ka sa nilalakaran,

‘Wag mag-alala’t biglang may isang nilalang

Na animo’y anghel ikaw at sasamahan!

 

At sa huling araw pagdating sa simbahan

Ng Catedral de Santiago at mayapusan

Si Saint James sa likod ng altar magdaraan,

Tila maglalaho ang iyong kapaguran!

 

At kung BOTAFUMEIRO ulunan dumaan,

Ang higanteng insenso ay mabendisyunan,

Sa peregrino kaiba s’yang karanasan,

Nawa’y paroroonan pa ay makayanan!

SARRIA SPAIN
Philstar
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with