^

Entertainment

‘Nag-Camino Kami ’No!’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star
�Nag-Camino Kami �No!�
Camino de Santiago Selperegrino, Oct. 29 — Joey and Eileen de Leon, Carmel and Beth Saldana, Danny and Tessie Moran, Alex and Barbara Abela, Joy Schallenberg, Ato and Jojie Yap, Lilit and Abby Tumbocon, Willy and Jean Decena, Morris and Liz Agoncillo, Raul and Rizza Almendral, Tito and Stella Manalo, Levy and Roxanne Espiritu, Norman and Minnie Macasaet and Father Reynold Oliveros.

Alam n’yo na ngayon na salitang comedian

Isinalin ko’t iba pang tawag binigyan —

PATAWA… at ‘yay nabanggit na rito minsan,

At ‘yan din ako… ako’y PATAWA rin naman!

 

At sa sulok na ito lagi akong ganyan —

Sa pagiging patawa ay nakasanayan,

Ngunit ngayon patawarin n’yo akong minsan,

Maging isang patawa muna’y iiwasan!

 

Nais ko kasing ilathala kasaysayan

Ng Camino de Santiago na karanasan,

At mga sundot ‘di na muna lalagyan,

Baka ‘di patawarin mga dinasalan!

 

Hinandog ko ang alay-lakad na naturan

Sa mga mahal ko at sa palatuntunan —

Eat Bulaga sa mahabang pinagdaanan,

Pagpapasalamat na walang katapusan!

 

Dapat marahil nun pa ito ginampanan,

Nung wala pang sumasakit sa aking bewang!

Kaya mga dasal pa ngayo’y naragdagan —

“Saint James, buto ko ‘wag sanang maglagutukan!

 

Marami na ‘kong pilgrimage na nasalihan,

Camino de Santiago ay puro lakaran!

Pababa, pataas, umaraw at umulan!

PILGRIM AGE ko naman ngayo’y PANG-SIMBA na lang!

 

Ngek! Lo ciento at promise ko ri’y nabalian!

Ang maging patawa ‘di na rin naiwasan!

Pa’no naman trekking shoes ko nga ay Salomon,

Sa loob ng backpack puro Salonpas naman!

 

Well, kahit paano ay nakayanan naman,

Eh paano sa exercise kasi ay kulang!

Everyday sa Eat Bulaga ang exercise lang —

Isang panhik at isang baba lang sa hagdan!

 

Subalit sa seryong bahagi ng usapan,

Sa “lakad” na ito’y maraming natutunan —

Tungkol sa iyong sarili at kakayanan;

Kausapin ang sarili nang sarilinan!

 

May mga panahon kasi at kahabaan,

Mag-isa ka lang… naiwan o nagpaiwan,

Sa iba’t-ibang kundisyon ng daraanan,

Mag-isa ka ring sarili’y aalagaan!

 

Marami kang magiging bagong kaibigan

Na magsisimula sa pamosong batian,

“Hola!” o “Buen Camino!” pag nakasabayan,

Minsan napupunta sa mahabang kwentuhan!

 

Sa susunod na Linggo ay matutunghayan

Ilan pang kwento tulad sa backpack na pasan

Ng isang peregrino at mga nilabhan,

Pinapatuyo sa likod n’yang may sampayan!

 

Nilakad nami’y sa loob ng Espanya lang,

Sa ibang nakausap kami’y nagulantang!

Sa Paris pa paglakad nila sinimulan!

Hindi lang arawan kundi maraming buwan!

vuukle comment

BETH SALDANA

CAMINO DE SANTIAGO SELPEREGRINO

Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with