^

Entertainment

‘Zapatos de Goma’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star
�Zapatos de Goma�
Finally arrived at the Catedral de Santiago de Compostela on Oct. 29 after six days of walking! Dedicated 40 kilometers to the 40 years of Eat, Bulaga!

Ang mga lalaki sapul pagkabata pa,

Sa paglaki’t maging sa pagbibinata na,

Isa sa binibigyang pagpapahalaga —

Ang kanyang mga naging SAPATOS DE GOMA!

 

Bago pa matutong gumamit ng condom ba,

O ‘yung tinatawag na SUPOT-OS DE GOMA!

Kanyang RUBBER SHOES muna ang suot at bida!

Kaya magpupugay… ito aking istorya…

 

Aking unang rubber shoes sa naaalala

Ay tatak KEDS but no kidding, ito’y gamit na!

Mayaman kong pinsan pinaglumaan na ba!

Ganyan noong araw… sa bigay nakanganga!

 

Pati una kong relos ay bigay nga pala

Oy, oks na ‘yun kaya ‘wag nang maarte pa!

Pagkatapos nag-iba-iba na ng marka —

May mga de palito at ‘yun lamang mura!

 

Ang erpats ko nun nakatira sa Espanya,

Dun at dito may SINTAS este, SINISINTA!

Si Mama Marita sa Madrid kinasama

At dito sa Pinas nganga muna si Emma!

 

Ngunit isang araw ako ay nasorpresa

Pagkat si Papa Pepe ay may pinadala!

Noon pa dito ‘di pa gaanong kilala —

Natanggap ko’y ang ˆkong unang-una!

 

Sumunod dahil kumikita na ng pera,

Mga CONVERSE shoes ko ayun at naghilera!

Nasa T.V. na ako’t mapormang-maporma!

Rubber shoes ko pa ngang gamit ay magkaiba!

 

Sa tuwing paglakad rubber shoes ang kasama!

Pormal ma’t disente ang okasyon at punta!

Sa paglakad din ng panaho’y dumami na

Ang mga sari-saring sapatos de goma!

 

Pati nga mga top brands ay nakisali na —

Hermes, Louis Vuitton may sapatos de goma!

At nagsunuran na rin lahat mga marka!

Op kors nakiloko rin tayo sa paggasta!

 

At ngayong pares ko’y wari bang sobra-sobra,

Biglang may isa akong istilong napuna —

Kahit bago pa mukhang luma na hitsura!

Parang BIBI sa dungis… GOLDEN GOOSE tatak n’ya!

 

Ang tali nga nito’y may pigtas at buhol pa!

Pero huwag ka ito’y yari sa Italya!

Ang dirty look ngayon ay very expensive na!

‘Di kaya moda papunta sa TAONG GRASA?!

 

Pero ating TRAINER-SERYE tuloy-tuloy pa,

At sa ating SNEAKER preview ay may bago na!

At dahil magsa-Santiago de Compostela,

Mag-iiba na naman sapatos de goma!

 

At syempre pilgrimage ang dito’y ipinunta,

Kaya sa lakad na ito SALOMON bida!

Pananalangin ito’t dasal alam n’yo na —

Oh Saint James, please give me more Zapatos de Goma!

vuukle comment

JOEY DE LEON

Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with