^
âBreadâ
Before TVJ, there was BAD BREAD. Wood art from Direk Lord Alvin Madridejos.

‘Bread’

ME, STARZAN - Joey de Leon (The Philippine Star) - October 14, 2018 - 12:00am

Noong Seventies “BREAD” ang tawag sa pera!

Ang tanong: Bakit bread ang tawag sa kwarta?

Eh kasi MONEY sounds like MONAY hindi ba?

Ops, today is my birthday pagbigyan n’yo na!

 

Ang tanong uli : Ano naman connection?

Kasi nga uli it’s my BREAD-day celebration!

Todo na natin inyong baked goods consumption —

Gawin nang HOPYA Birthday Joey de Leon!

 

Kung minsan sa bread ay DOUGH ang tawag dito,

“It’s raining cats and dogs!” pag ulan ay todo,

Pero pag matindi buhos ng dinero,

Tawag ng Poet N’yo — It’s raining CASH and DOUGH!

 

CAKE ka muna este, teka muna tayo,

Ang alam ko lamang sa usapang seryo,

BREAD and MONEY — life’s necessities kasi ‘no!

Ito’y kailangan ng tao pareho!

 

Malamang salitang “breadwinner” konektado,

S’ya ‘yung kumikita at nagtratrabaho,

At may isa pa kung mapapansin ninyo —

Sa salitang TINAPAY ay PAY ang dulo!

 

Tanong: “Meron ka ba d’yan?” Alam mo na ‘to —

Kung hindi makakain ay magagasto!

Bukod kwarta’t salapi BALA rin ito!

ATIK ay baliktad lang ng KITA you know!

 

Nagsanga na nga sa TIKTAK, ATROK, PITSA!

Salitang sa kalye mo lang mahihita!

Salitang PALDO maalaala kaya?

“MAKAPAL ANG DOUGH” sa tingin ko nagmula!

 

Imagine doon sa aming first TV show,

“BAD BREAD” pa nga ang tawag sa aming grupo!

Kabilang grupo naman noon ay sa APO,

Wala pang TVJ nang panahong ito!

 

Val, Vic, Tito — Sotto Brothers pa ‘yung tatlo,

Si “Tom” ng Baltic & Company tandem ko!

Medyo bad pa bread nun o talent fee per show —

Fifty bucks yata kaya Hawaii Five-O!

 

Pero walang masamang tinapay ‘di ba?

Basta ba aprub inyong pakikisama!

Naging TVJ kami sa Discorama!

At sa Student Canteen, lunch show naming una!

 

At hanggang ngayon pa ri’y magkakasama,

Maintaining the friendship… maintenance? S’yempre ah!

Ngayong tumatanda na’t tumataba pa,

Kayod pa rin sa pera… tinapay LESS na!

BREAD
Philstar
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with