^

Entertainment

‘The Birthday Cake’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star
�The Birthday Cake�
... 68 ... 69 ... SELFIE! HAPPY BIRTHDAY TO ME!

Two weeks to go na lang at birthday ko na pala!

Sayang at wala na aking mahal na Papa,

Sana’y Max’s Fried Chicken, Ice cream na Magnolia!

‘Wag mag-alala’t ako lang ay nagdra-drama!

 

Nung araw kasi’t sa Kamuning nakatira,

Pag merong may birthday Max’s agad ang punta!

If you care to know kung ako ilang taon na,

Hmmm … kami ni Max halos magka-age kumbaga!

 

Sa tuwing may birthday aking naaalala

Ang isang eksena sa aking pelikula –

Ang Barbi For President na nakakatawa,

Ito’y nung President nag-100 years old na!

 

Akalain n’yo bang pinag-BLOW s’ya ng cake n’ya!

Op kors 100 candles din ang nakaporma!

At hinipan n’ya kandila nang isa-isa!

At binibilangan pa ng mga bisita!

 

Nung 99 na at kandila na la’y isa,

Sumigaw si Bartolome…that’s me, ang bida!

“MABUHAY ANG PRESIDENTE!” Ang yabang ko pa!

Sabay blow nung President…KANYANG HULING BUGA!

 

Pagkatapos nung last candle sabay subsob s’ya!

At bumaon sa cake ang buong mukha n’ya!

Sumunod na sigaw ko biglang nag-iba na –

“NAMATAY ANG PRESIDENTE!” Ngek! ‘Yun istorya!

 

Well, ayon sa isang kasaysayan kumbaga,

Kaya may candle ang cake and why we make buga,

Para raw kasi ‘yung usok ang magdadala

Ng mga wishes mo sa “itaas” papunta!

 

Eh kasi nangyari dun sa movie ko’y iba –

Sumalangit pati s’ya pati kaluluwa!

Kunsabagay yung eksena lang ay patawa

Pero ano’ng malay n’yo at merong gumaya!

 

Ngunit si Mel Tiangco may style na kakaiba –

‘Yung palad n’ya ang ginagamit n’yang pambuga!

Pinapalis n’ya sindi at ayon sa kanya –

Sumasamang laway ay maiiwasan pa!

 

Kaya kung iisipin pinakamaganda –

Imbes magpatay ng ilaw ay magsindi ka!

Op kors gagawin mo ‘yan matapos magsimba!

Upang ipagpasalamat na buhay ka pa!

 

At iba pang tungkol sa akin syanga pala –

Not the same age but Ralph Lauren ka-bertdey ko s’ya,

Laurin Goodness naman ako ay tumitira

Kaya sa birthday cake meron pang ibubuga!

vuukle comment

BIRTHDAY

JOEY DE LEON

Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with