^

Entertainment

‘Assumption On Assumption’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star
�Assumption On Assumption�
Ang Poet N’yo and wife Eileen at the Basilica Shrine of Our Lady of Knock, Queen of Ireland at Knock County Mayo, Ireland. This is the only Marian Apparition where She appeared with Saint Joseph and Saint John the Evangelist in August of 1879.

Magbiro tungkol Bibliya ay ‘di maganda

Ngunit kung minsan dahil sa nalalaman mo ba

Tungkol sa nilalaman N’ya at nababasa,

May pagkakataong ikaw nakakatawa!

 

Tulad nung August 15 nang ako’y nagsimba

Dahil Assumption ng ating Inang Maria,

Nabanggit pa nga sa Gospel ang pinsan Niya

Na si Elizabeth nang sila ay magkita!

 

Ito’y nung pareho silang may dinadala

Sa kanilang sinapupunan kahit na ba

Itong si Elizabeth may katandaan na!

Isang himala na ngang maituturing s’ya!

 

Ako’y lumabas nang matapos na ang misa,

Naiwan si Eileen na nakaluhod pa,

Nang may lumapit sa aking isang nagsimba

At picture kami raw’y magpakuhang dalawa!

 

‘Tapos ng kodakan may isang lumapit pa,

“Is this the mass for Elizabeth?” ang tanong n’ya,

Ako’y nabigla at naisagot ko lang ba,

“I’m not sure…” and then ako’y medyo nag-ad lib na!

 

“Maybe additional prayers for Mary pa s’ya!”

Ngek! Kahit ‘di sure nagmarunong pa ang bida!

The lady just smiled at pahabol na tanong n’ya,

“Are you Joey de Leon?” ‘Yan sigurado pa!

 

Paglisan ng babae ay may tumawag pa

Sa aking pangalan at paglingo’y nakita

Si Bishop Raul matagal ko nang kilala,

Lumapit ako’t nagtanong tungkol kanina!

 

“Pag Feast of the Assumption ba’y dalawa misa?

For Mama Mary… at Elizabeth ‘yung isa?”

‘Tapos kinwento ko ‘yung nagtanong kanina,

Sa sagot ni Bishop nagmukha akong tanga!

 

Tinatanong nung babae kanina pala

Ayon kay Bishop na medyo na natatawa —

Mass for Elizabeth… isang parishioner s’ya,

She died last year at First Death Anniversary n’ya!

 

Ngek! Mabuti na lang at madilim-dilim na,

Dahil kung hindi pamumula’y kitang-kita!

‘Nobang malay ko’t ako napagtanungan pa?

At sa Gospel “Elizabeth” din ang binida!

 

At akalain n’yong ang yabang-yabang ko pa

Sapagkat nung sa Israel kami’y nagpunta,

Bahay ni Elizabeth aming binisita,

Akala ko lahat alam na alam ko na!

 

‘Yan isang klase pa ng “assumption” hindi ba?

At alam n’yo namang loob la’y nagmaganda!

Kaya next time may magtanong at hindi sure ka,

Smile and say, “MAGTANONG NA LANG KAYO SA IBA!”

 

But wait September Eight, sa Sabado nga pala,

Eto sure ako, si Mama Mary birthday N’ya!

At sure din kami ni Eileen ay magsisimba,

Basta sa Kanya mabilis sa matulin pa!

 

Pero ngayon sisiguraduhin ko muna

Na mabuo lahat at tapusin ang misa

Sapagkat ang leksyon ay natutunan ko na —

‘Di muna lalabas at baka matanong pa!

 

So “I find myself in trouble” sabi sa kanta,

Not because of Mother Mary and her cousin pa,

Some “words of wisdom” dapat pag-isipan muna,

“There will be an answer” not always true pala!

vuukle comment

QUEEN OF IRELAND

BASILICA SHRINE OF OUR LADY OF KNOCK

Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with