^

Entertainment

‘Pinoy Ngek-Sorry Rhymes’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star
�Pinoy Ngek-Sorry Rhymes�
(To the tune of Baa Baa Black Sheep) Ba bakit sheep have you any clue nasa picture at ako kasi ang hirap maghagilap nursery rhymes na cast at magpa-kodak!

Tungkol nursery rhymes last week na naisulat,

Sa mga “lihim” nito tiyak kayo’y namulat,

Sa lahat ng ito ang mensaheng natanggap —

Bata’y sabay inaaliw… pinag-iingat!

 

Kung sasaliksikin kung bakit naisulat

Ang mga rhymes na ito kayo’y magugulat

Pagkat nakakatakot na kwento nagbuhat!

Dinaan lang sa laro at kanta ang lahat!

 

‘Yung bang halos lahat ay tungkol sa disgrasya!

Tulad “Jack & Jill” ayon sa aking nabasa,

Si Jack daw nabagok sa bato ang ulo n’ya!

At si Jill sa panganganak ay namatay s’ya!

 

Ngek! Pero pag inawit na… ang saya-saya!

‘Di lang ‘yun, ito ay pang-FOR ADULTS ONLY pa!

Eh kasi ang “up the hill” ayon sa dalawa…

Ang kanilang tagpuan! Dun nagroromansa!

 

Humpty-Dumpty nga’y medyo bulgar at mabantot!

Sinasadya ang kombinasyon without a doubt,

You know naman ibig sabihin ng HUMP and DUMP —

Isang “MAY I GO IN?” at isang “MAY I GO OUT?”!

 

Meron din tayo n’yan sa “Leron, Leron Sinta”

At “pagdating sa dulo… nabali ang sanga!”

At d’yan din malinaw at inyong makikita

Na talagang mga Pinoy… MAGALING MANGGAYA!

 

He, he, he… sa mga ganyan maloko tayo,

‘Yung “Ten Little Indians” ating tinarantado!

“Isa, dalawa, tatlo… ANG TATAY MONG KALBO!”

Tingnan  n’yo, gawa ba ‘yan ng matinong tao?!

 

At least ‘yung sa dayuhan tungkol kasaysayan,

Kahit mga ito’y medyo may kadiliman,

Mga hirap at ritwal na pingdaanan,

‘Di tulad sa atin na walang kawawaan!

 

Meron din naman daw about history tayo —

“One plus one, Magellan! Two plus two, Lapu-Lapu!

Three plus three, KRISMAS TREE?” Ngek! Biglang naging Pasko?!

Dapat kasunod… Four plus four, por Dios, por Santo!

 

Meron pa nung lalagyan ng “dumi” sa ulo,

Sabay sasabihing, “Ikakasal sa Linggo!”

At kapag nainis at pinalis nung tao,

Biglang malilipat sa Lunes kasal nito!

 

At ‘yung pataas-pababa na ispageti?

At ‘yung kay Marie? “Araw-gabi walang panty!”

‘Yung “Nanay Tatay, gusto kong tinapay” pati!

Pasensya na lang pero… NAKAKAKUNSUMI!

 

Sa mga ginagamit sa laro ng bata,

“Little Sunny Water” the most famous na yata!

Inangkin na nga natin kahit din banyaga…

ISLIPING INDAY KORNER na’t binalahura!

 

NGEK na, SORRY pa kaya NGEK-SORRY tinawag!

Eh kasi naman halos lahat tungkol LAGLAG!

At ‘yung sa atin may “lihim” ding matatawag,

‘Di nga lang History kundi sa PAGBIBINYAG! 

 

Maniniwala ba kung aking sasabihin

Na tungkol sa TULI ang “Pen Pen de Sarapen”?

Tingnan nyo’t may KUTSILYO doon sa awitin,

Sa palagay n’yo saan ba ‘yun gagamitin?

 

Si Totoy pagdyingel pititing n’ya ay SIPIT,

SA TABI NG DAGAT pagtutuli malimit,

Pagpukpok, sa sakit sila’y NAMIMILIPIT!

Pagkatapos nagsusuot ng SAYA paslit!

 

At pag naganap na at natapos na lahat,

Naturalmente si Totoy galak na galak!

Basta BATUTEN ‘wag pakita sa girls pagkat

Ito’y nangangamatis o NAMUMULAKLAK!

vuukle comment

NURSERY RHYMES

Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with