^

Entertainment

‘100 years of Eat Bulaga?’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star
�100 years of Eat Bulaga?�
True... Through the years. thank God it’s forty ... almost!

July 30,1980 … sa First Birthday ng show —

Ng Eat Bulaga nung Unang Anibersaryo,

Naka-tee shirt ako at nakatatak dito —

“EAT’s First Anniversary! 99 YEARS TO GO!”

 

Ngek! Alam ko na malayong mangyari ito,

Ngunit baka may magbago ng kalendaryo!

‘Di n’yo masabi at ‘di nakasisiguro

Kung ano nasa harapan … ano’ng malay n’yo?!

 

Sa patuloy na takbo ng buhay sa mundo,

Dumating at mawala mang tuluyan tayo,

Isa sa hindi mapipigilan ng tao

Ay walang iba kung hindi ang PAGBABAGO!

 

“The only thing that is constant is CHANGE.” Um, gets n’yo?

‘Di yun SUKLI sa mga gustong mag-komiko!

Ang nagsabi n’yan ay si HERACLITUS kuno!

Isa sa mga sinaunang pilosopo!

 

‘Di ba dati pag nagluto ng manok tayo,

Katawan at hita lang binabandehado!

Ngayo’y kasama na pati paa at ulo!

Baka pagtagal ulam na rin balahibo!

 

Isipin n’yo na lang at uulitin ko —

Maong dati pag natastas ay galit tayo!

Lagot labandera pag namantsahan ito!

Mas marumi’t sira ngayon mas aprubado!

 

Ang bata nga dati pag sanggol pa lang ito,

Konting iyak pa lang si Nanay agad takbo!

Luwa agad dibdib agad magpapasuso!

Ngayon no more tsupon… CELLPHONE na ibabato!

 

Kumbaga dati IPADARAMA sa iyo

Pagmamahal ng isang ina na totoo;

IPADEDEDE milk mula sa puso nito!

Ngayon … iPAD na lang ayos na buto-buto!

 

Akalaing pati ‘di aakalain ninyo,

Tulad na lang babae sa pagmomodelo,

Meron pang rumampa habang nagpapasuso!

Ngek! Isang MODEDELO na matatawag ko!

 

Hindi Supermodel kundi TSUPONMODEL ito!

Marami tuloy ang nagDEDEbate dito!

Ngak! Este, it stirred debate ibig sabihin ko!

This mommy from Miami ano sa tingin n’yo?!

 

Sa ganang akin aprub lang sa Ang Poet N’yo!

Magpadede kayo habang nagpa-fashion show!

Si NOSTRADAMUS kaya ay nasilip ito?

Mga “US-US” na ito tunay nga bang henyo?!

 

Kay Nostradamus nawala na ang bilib ko!

Dapat nahulaan n’ya pangyayaring ito —

Ang tungkol sa modelo na nagpapasuso

Pagkat sa “HINAHARAP” magaling s’ya rito!

 

Michel de Nostredame tunay na pangalan nito,

Ang pangalang “Nostradamus” ay Latinado,

Nagngangalang ANNE kanya namang wife number two,

Kung ginawang ANUS ‘di ako sigurado!

 

Nung araw “US” o “AS” ang pagpipilian mo

Na ilalagay sa pangalan mo sa dulo,

Kaya nga Julius, Brutus at Petrus si Pedro…

Hestas, Barabas kaya’y Hudas kung gusto mo!

 

Kung ni-Latinize name ko … LEONUS siguro,

Pero malamang LEONIDAS pipiliin ko!

At kung gustong malaman mga “gay” kung sino,

‘Yung may “US” at “AS” sa name… ASUS sigurado!

 

Well, napunta na tayo sa kung ano-ano,

Maging sa pinapaksa nagbabago takbo,

Si Heraclitus pala’y hindi nanloloko —

“The only thing that is constant is CHANGE!” It is true!

 

Kung kaya ngayong amin nang tinatakbo

Ang pang-APAT NA DEKADA umaasa ‘ko

Na matupad pa print sa tee shirt long time ago,

Aba at sandali na lang … SIXTY YEARS TO GO!

 

Ngek! At saka ‘di ko naman sinasabi  ‘no

Na kaming tatlo pa rin ang hosts kundi ‘yung show!

Malamang nga n’yan ‘yung amin nang mga apo!

Ano, ONE HUNDRED THIRTY YEARS OLD na host? Oh no!

vuukle comment

EAT BULAGA

Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with