^

Entertainment

‘Duchess of Divisor?’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star
�Duchess of Divisor?�
That’s my daughter Jocas at Windsor, Berkshire in one of our visits in England. S’ya ‘yung pag may Royal Wedding, nagtsa-tsaa sa harap ng TV! September 16 is her birthday, Prince Harry is September 15. Her brother Jako and Prince William share the same birthday, June 21! O, eh ano ngayon? Wala lang, pare-pareho lang silang may birthday!

Noong May 19 doon sa may Inglaterra,

Nagkagulo sapagkat may mag-aasawa!

Hindi naman dahil nabistong bakla s’ya!

Lalaking-lalaki nga’t PRINCE na eh HARRY pa!

 

Pati nga Ang Poet N’yo biglang nataranta

Dahil dinig ko’y MENGGAY mapapangasawa!

Alam n’yo namang s’ya aming Barangay Reyna!

Buti’t hindi Menggay at MEGHAN naman pala!

 

Sa kasal na ito maraming nag-abala,

Anak kong si Jocas may pa-afternoon tea pa!

At hanggang ang Royal Wedding ay matapos na,

Narun sa harap ng TV at nagtsa-tsaa!

 

Mabuti’t ‘di naglagay ng HAT sa ulo n’ya

Katulad ng Briton at ng mga bisita!

Ngunit pansin n’yo ba kanilang disiplina?

Walang nagse-selfie sa kasal makikita!

 

Kaya siguro BUCKS Office hit seremonya,

BUCKS as in “Buckingham” syempre naman ano pa?

Pagkat ang bride pa BALAT ng kontrobersiya!

At hindi lang ‘yon, isa pa s’yang diborsyada!

 

Makulay talaga’t isa pa s’yang artista,

At dahil nga sa Dugong Bughaw na pamilya,

Nakapasok at tanggap na isang MULATTA,

NAKANGANGA-RAP na rin mga Pilipina!

 

Hindi naman masamang mangarap hindi ba?

Imagine kayumangging Dukesa’t Prinsesa!

Medyo excuse me muna sa mga mestisa

At itigil na rin muna ang paglu-GLUTA!

 

Biro n’yo ngayon nga’y ubra na sa kanila —

Ang pakakasalan dati nang may asawa!

Pero kay Duchess Meghan isa pang maganda —

Napakasimple lang kanyang traje de boda!

 

‘Yan kasi ang susi kapag maganda ka na,

‘Wag mong bayaang may magnakaw ng eksena!

Ni wala ngang mga bridesmaids na pumaparada!

Itinodo pagka-royalty sa korona!

 

Ano’ng malay nyo’t pumatok na nga MORENA?

Dun sa White House nga nagkaroon ng Obama!

Kaya lang pag Pinay ang nakatsamba… baka…

Dala buong angkan lahat pati probinsya!

 

Kitams si Meghan nanay lang n’ya kasama!

Wala ngang katabi na pwede n’yang i-chika!

‘Di man lang iniupo katabi ni Oprah!

Kahit man lang sa inaantok na Serena!

 

Kaya’y kina George and Amal Clooney pwesto n’ya!

Teka, bakit nga ba nandun ‘yang mag-asawa?

How come sa Royal Wedding sila’y kumunekta?

Well, ‘di ROYAL but LAWYER Wedding kanila!

 

At saka baka Royal Family nga pala

Ay mabwisit sa isa nating ugali pa —

‘Yun bang ang ninang at ninong dose-dosena!

WIN SURE na lang sa Miss U at WINDSOR problema!

 

Magkaron ng Local Royal kalimutan na,

Naiisip kong pinakamalapit lang ba

Ay pag dalawang Gambling LORDS ang nag-asawa,

Tawagin nating ROYAL JUETENG ‘yung kanila!

vuukle comment

DUCHESS OF DIVISOR

Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with