^

Entertainment

‘Pizza Perfect’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star
�Pizza Perfect�
Meoto Iwa or the ‘Wedded Rocks’ in Itoshima, Fukuoka, Japan. People pray here for a happy, long marriage but nung oras na ‘yan, we were praying na matapos na ang long line of hungry tourists sa mga restaurants at gutom na gutom na kasi kami!

Nang nakaraang Linggo tayo’y nagkwentuhan

Tungkol pagbisita namin muli sa Japan,

Pagpasok ng Mayo nung aming sinimulan,

Binahagi rin mga bagong natuklasan!

 

Maraming napasyalan kahit umuulan,

Ngunit sa halos ‘sanlinggo’y napansin ko lang,

May dalawang bagay kaming napagtuunan —

Ang KUMAIN… at MAGHANAP… MAKAKAINAN!

 

Nabanggit ko na rin bagong kinabaliwan —

RAISIN & BUTTER sa tinapay na palaman!

At meron pa akong isa na natutunan —

PAGKAIN NG PIZZA ops, ‘wag magugulantang!

 

Shocking ba? Sa lahat kasing food na Italian,

Itong pizza ay wala sa aking listahan!

Ngunit pinagtagpo kami ng kapalaran

Nang sa isang tanghalian nagkagutuman!

 

Dun sa beach resort kung saan matatagpuan

Ang dalawang mga batong “magkasintahan” —

Ang MEOTO IWA at ayon kasaysayan,

Nagbigay kanlungan sa lumikha ng Japan!

 

At dahil Golden Week lahat nasa pasyalan!

Ang pila sa restaurants nagpapahabaan!

At disiplina sa Hapon alam n’yo naman —

Magtyaga kang pumila at walang unahan!

 

Mga tatlong oras yatang nagkahintayan!

Halos merienda na nga nung kami’y tawagan!

Dahil pasta & pizza aming napilahan,

Wala nang pagpipilian kaya ‘yun na lang!

By the Shiraito falls of Fukuoka. Ang sarap ng salt grilled trout dito! We had fun eating somen noodles (somen nagashi) as they flow down water-filled bamboo stems.

Inorder na pareho kaysa malipasan!

Ubos ko na pasta, nagwawala pa rin t’yan!

Kaya ‘yung pizza kahit ‘di napupusuan,

Sa aking isipan “pagtitiisan” na lang!

 

Ang taong nagugutom dun mo malalaman,

Kahit yata karton sa tiyan ilalaman!

Kaya ‘yung FOUR CHEESE PIZZA aking inupakan!

Nang mapansin si Eileen may sinasawsawan!

 

Her Quattro Formaggi oh my honeybee naman…

Sinasawsaw sa HONEY o PULOT PUKYUTAN!

S’yempre ginaya ko nama’t aking tinikman…

PUKYUTANG INA! Hindi ko na tinantanan!

 

Ngek! Excuse me po ang ibig kong sabihin d’yan,

Sa FUTAMIGAURA Beach ko nasubukan!

Ipagpaumanhin n’yo aking katangahan

Eh kasi sa totoo ngayon lang natikman!

 

Ano ba’ng malay kong ganon pala linamnam!

Subalit hep, bago n’yo ako pagtawanan,

Tandaang ‘yung apat na keso galing Japan!

At pati ‘yung honey… could be the kaibahan!

 

Like pizza, PANCAKE wala rin sa’king listahan,

Subalit si Eileen upang aking pagbigyan,

Pagpila sa A HAPPY PANCAKE sinamahan...

Pilang magmula kalye papanhik hagdanan!

 

Alam n’yo naman sa Japan pag pinilahan,

Kahit matagal wala silang pakialam!

Pag may pila siguradong box office hit ‘yan!

Pag wala nang pila malamang… NAUBUSAN!

vuukle comment

JAPAN

MEOTO IWA

SHIRAITO FALLS

Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with