^

Entertainment

‘Mga Palamang Palaban!’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star
�Mga Palamang Palaban!�
Wister and wishes este, Mr. & Mrs. de Leon while having Wisteria Hysteria in Fukuoka!

Betcha by gulat talagang nakakagulat

Ang mga balita na biglang sumambulat!

Peace ang North and South Korea sa isang iglap!

‘Di kaya dahil sa paglaganap ng K-POP?!

 

Tila konek sa showbiz mga news kumbaga

Tulad 35 years nang binawal ba nila

Ang mga movie theaters sa Saudi Arabia,

Aba at biglang pinayagan uli sila!

 

Aba, aba talaga sapagkat ang ABBA,

After 35 years din may bago nang plaka!

Sina Benny at Bjorn, Ann-Frid and Agnetha,

Nag-recording muli! OMG! Mamma Mia!

 

O ano ngayon meron pa ba d’yang kokontra?

Mukhang “entertainment” ang common sa kanila!

Si Father Larry Faraon lang ang naiba —

35 years din… kaya lang PAGKA-PARI n’ya!

 

Gayunpaman Congratulations sa’ting lahat!

Mahalaga’y kapayapaan malalasap!

Halimuyak pagkakaisa malalanghap!

Mas mainam kung walang tinik ang bulaklak!

 

Dahil bulaklak usapan natin napunta,

May chicharon este, may chika ako pala!

Sapagkat sa Japan muli kaming nagpunta

Upang masilayan ang magandang WISTERIA!

 

SAKURA nagpasasa nung huling bisita,

Cherry Blossoms noon mga nakabuka,

Ngayon ay wisteria na animo’y kurtina,

Pagpasok ng Mayo lumipad sa Fukuoka!

 

Dati’y naglalakbay lang sa ibang lupain

Upang makita pamoso nilang tanawin,

O maranasan panahong wala sa atin,

O sa isang tradisyon dun makilahok din!

 

Kung bakit naglalakbay marami nang sagot —

May paghahanap-buhay, nais makalimot,

Meron din namang sa masama ay nasangkot!

Minsan dahil sa makukulay na talulot!

 

Hokkaido noon pagbuka ng LAVANDULA,

Maraming ulit na ring nag-HANAMI mata!

Ang viaje naman ngayon ay para wisteria,

‘Saktong Araw ng pagpa-PAWIS pa istorya!

 

Eh May One, Labor Day kasi nang mag-Fukuoka,

Kasabay din Feast of Saint Joseph The Worker pa!

At sa first week of May sa Japan pa nga pala

Ay HAKATA DONTAKU, Golden Week pa nila!

 

At para ano pang ako ay binabasa

Kung ‘di ibabahagi bago kong nakita,

Alam n’yo naman hilig ko sa mantequilla,

Mantakin n’yo may na-discover akong iba!

 

Syempre ang butter na una sa aking lista

Ay ‘yung mula’t galing sa Francia at Italia!

‘Yung sa Hokkaido HOKAY din ang kanyang lasa,

But my new findR & B! RAISIN & BUTTER s’ya!

 

‘Yung brand ‘wag na’t baka ako’y unahan n’yo pa!

Magtanong o i-google n’yo na lamang basta!

‘Yung isa’y nung araw para ko nang nakita —

Siopao palaman PANSIT! PAOSIT? Ngek! SIOPASTA?!

vuukle comment

MGA PALAMANG PALABAN

Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with