^

Entertainment

‘Rich O Wretch?’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star
�Rich O Wretch?�
Joey: ‘Hoy Katiting Perry, nung maliit ka paano mo malalaman na mas mayaman yung kapitbahay n’yo kesa sa inyo?’ Ryzza: ‘Mas malaki yung tindahan nila!’

Nung araw nang ako’y isang totoy pa lamang,

KALIKASAN madalas kalaro’t laruan!

Close-open ng Makahiya nakatuwaan,

Pati higad, singsing-pari, hantik at langgam!

 

Sariling imahe sa salamin kalaban;

Aking kabarilan, kausap nang harapan!

Ngunit kalaunan akin nang tinigilan,

Baka iba makita ako’y kinabahan!

 

Ang mga bulilit iba-iba laruan,

Sari-sari rin sa bahay ang kasangkapan,

‘Di pa pinapansin tunay na katayuan

Kung naghihikahos sila kaya’y mayaman!

 

Minsan sa “Bulaga” aking nakatuwaan

Na ibang Dabarkads bigyan ng katanungan —

“Nung bata pa kayo ano inyong sukatan

Na kapitbahay n’yo sa inyo’y mas mayaman?”

 

Sa mga sagot nila dun mo malalaman —

Bawat panahon iba’t-ibang pamantayan!

“Mas marami silang video games,” ang kay Ryan!

Kay Ryzza, “Mas malaki kanilang tindahan!”

 

Ngek! O hindi ba? Eh teka, kung ako naman?

Ako ay isang higit na lumang nilalang!

Ngek! Bago pa nga nauso ang television!

O sige, balikan natin ang nakaraan...

 

Nung araw pag kapitbahay may SWING sa lawn,

Pakiwari ko lagi sila na’y mayaman!

‘Yun bang lamang sila pati sarap ng ulam!

Nagkaron ng gomang gulong mabuti na lang!

 

Pero wala namang puno na pagsasabitan,

‘Tsaka lamok ito’y pinamamahayanan!

Kahit wala pa nung dengue na nalalaman,

Swing tinigilan na lang at kinalimutan!

 

Nagawa ko rin namang mag-swing nung nag-STARZAN!

Ang swing ko nga pala na kauna-unahan

Pahalang pag-indayog at hindi up and down!

Tinutuntungan ko lang aming TARANGKAHAN!

 

Mahirap o mayaman madaling malaman,

FRIGIDAIRE sa rich, poor nama’y PAMINGGALAN!

Ito ba ‘yung parang aparador ng ulam!

At upang hindi langawin may “screen” naman!

 

Pag nagdilig sila at binasa harapan,

May hose o bomba sila pakaliwa’t pakanan!

S’yempre kami rin ngunit hustisya’y nasaan?

Gamit nami’y tubig sa kanal ‘tsaka dustpan!

 

Sa tubig naman ay tabla-tabla ang laban

Dahil mineral water nun wala pa naman!

Malamig o may yelo lang kanilang mamam,

Pero same-same lang at GRIPO pinagkukunan!

 

Yes, tubig nun gripo lang pinanggagalingan!

At sigurado kang hindi sasakit ang tyan!

May drinking fountains pa nga mga paaralan!

Kung nais nga ng malamig DRINK FROM TAPAYAN!

 

Mayama’y may aranya, chandelier tawag dyan,

May carpet o alpombra na tinatapakan

Ngek! Medyo nakakailang sa totoo lang,

Akala mo’y laging may pinaglalamayan!

 

Syempre mga maykaya may halamanan,

Kaya may lugar sila pag may celebration

Nagmemeryenda sila pagdating ng hapon,

Kami ay siesta, sa pagtulog tinuruan!

 

Ang rich naming neighbor may mga silyang rattan,

May cake, balloons and hats at syempre pa magician!

Hate namin ‘yung ganya’t kami’y naiingayan!

vuukle comment

JOEY DE LEON

Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with