^

Entertainment

‘Genius Ako Grade One!’(G.A.G.O.)

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star
�Genius Ako Grade One!�(G.A.G.O.)

That’s me while waiting for the Running of the Bulls in Pamplona, Spain. Binayaran namin ‘yang space na ‘yan sa veranda! I’m not sure kung may mga breed ng Cebada Gago ang tumakbo. Basta ang tao pag humara-hara sa daanan... Gago!

Tila mga pagsasalitang nauuso

Nagsimula lang ba sa “HIR NA MI, WER NA U?”

Pero iwasan mong masabihan ka nito —

“I.G.M.G.” pagkat ‘yay I-Google Mo Gago!

 

Ngek! Medyo delikado na communication!

Ngunit kung tutuusin nangyari na ‘to nun,

Noong wala pang texting at wala pang cellphone,

Nang “1-4-3-4-4”I LOVE YOU VERY MUCH ‘yon!

 

Paikli na nang paikli mga panahon

Sa pakikipag-usap at sa pagtatanong!

‘Cause if you have a question at naglalambing lang,

Baka “I.G.M.G.” ikaw pa’y masabihan!

 

Ngunit totoong maraming matututunan

Sa kagu-Google mo mga gustong malaman!

Sumikat nang pinag-join dating two words na ‘yan —

“SIGE TINGNAN” o “GO OGLE” pinanggalingan!

 

Actually, pagtingin na may konting… PAGTANGA!

Pero OGLE sa iba ay may PAGNANASA!

Whatever, basta ginagamit mga mata,

Sige, tingin hanggang magka-GOOGLE-LITI ka!

 

Salitang “GAGO” ‘di naman talaga BAD s’ya,

Nasulat na maaaring pinagmulan n’ya,

Nang magpunta sa “ENCIERRO” doon sa Pamplona,

‘Yun bang “Running of the Bulls” fiesta sa Espanya!

 

Dun ay nalaman kong may isang klaseng toro

Na napakabilis at medyo delikado!

Kumbaga palaging naghuhuramentado!

Ang lahing kung tawagin ay… CEBADA GAGO!

 

At malamang sa Pilipinas may nagdala

Ng balitang ‘yan at ayun at ginamit na

Sa isang taong tuliro’t medyo loko ba,

Sugod nang sugod walang takot sa espada!

 

Ganyan toro na Cebada Gago talaga!

Matigas nga ulo kahit pa may tama na!

Kung kaya ang “gago” rin ay tatanga-tanga!

OGLE nga rin pala sa Ingles ay GO GAGA!

 

Kaya lahat ng ‘yan pag pinagsama-sama,

Nagiging parang negatibo ang dating n’ya,

Subalit sa katunayan maharot lang s’ya,

Minsan ay natutulala at makulit ba!

 

Dahil sa Google laos na encyclopedia,

Marami na ring bookstores ang mga nagsara!

Sa mga libraries may pumapasok pa ba?

Kumusta na kaya ang benta sa Azcarraga?

 

Mabilis ang Google tulad ng Gagong toro!

At malamang ginu-Google n’yo na rin ito —

Ang tungkol sa torong aking ikinikwento,

Well, Genius Ako Grade One kaya trust me, GAGO!

vuukle comment

JOEY DE LEON

Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with