^

Entertainment

‘I Clover You More Than I Heart You!’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star
�I Clover You More Than I Heart You!�

That’s me with Eileen, the Clover of my Life!

Ilang araw na lamang ay Valentine’s Day na!

At para sa inyo ba’y WHAT IS LOVE talaga?

Para sa akin kahit ano’ng sabihin pa,

LOVE IS GOD and GOD IS LOVE at wala nang iba!

 

Bayaan n’yong paliwanag kayo ay bigyan,

Sa palagay ko ito’y sapat nang dahilan

If the letters L-O-V-E pagbabatayan,

Alphabet positions nila’y makahulugan!

 

Patutunayang sa Kanya may kaugnayan

Kaya magbilangan atin nang umpisahan —

“L” in the English alphabet ay 12 ang bilang,

“O” – 15, “V” – 22 and “E” ay 5 naman!

 

Kung mapapansin ending nila’y 2 and 5 lang,

At ano sa tingin n’yo mga numbers na ‘yan?

The TWO KNEELING numbers kung inyong pagmamasdan!

Sila lang ang waring NAKALUHOD na bilang!

 

It’s up to you kung kilay nyo’y magtataasan

O sabihin kaya na nagkataon lamang,

Bakit ‘di na lang kaya sa Kaitaasan

Ituon ang mata at LOVE pasalamatan?!

 

Mag-thank you din kayo sa aki’t natuklasan

Ang tungkol dito’t tayo’y may napag-usapan,

At ako nama’y nais kong pasalamatan —

Walang pagod kong utak na may kalikutan!

“Love is God… God is Love” ‘di ba n’yo napupuna?

Sa pagsumpa’t panalangin kasama sila,

Hindi kaila sa inyo ang mga linya —

“SA NGALAN NG PAG-IBIG… SA NGALAN NG AMA!”

 

Pagtalunan pa ito palagay ko’y ‘wag na,

Wala naman siguro sa inyong kokontra!

Mahalaga’y may LOVE ka para sa ‘yong kapwa

At sa iyong sarili ikaw ay magtira!

 

Ang LOVE sa iba’t-ibang tao’y iba-iba,

Mga kahulugan sandamakmak kumbaga —

May sa bagay, hayop, tao’t ginagawa n’ya,

May dakila talaga’t merong may malisya!

 

Ang isang PAG-IBIG ko ay ang magpatawa

But this beautiful question I’m serious talaga —

Sa LOVE sumisimbolo ay HEART bakit nga ba?

Bakit ‘di BRAIN o UTAK o kaya’y BITUKA?!

 

I know kasi kadiring laman-loob sila

At ginagawang pampulutang chicharon pa!

Alam ko ring umibig ay isang sugal s’ya

Kaya nga may HEART din cards na binabalasa!

 

Pero tutal FOUR naman sila sa baraha,

Bakit hindi Spade o kaya’y Diamond na pula?

Kung ako tatanungin CLOVER ang maganda!

Why? Eh s’ya lang ang may “LOVE” at gitnang-gitna pa!

 

Kahit CLUB o PAMBAMBO itawag sa kanya,

LOVE pa rin ang tunog at ito ba’y alam na —

Na nung unang panahong tao’y nasa kweba,

Binabambo ang babae para makuha!

 

O ‘di ba mga lalaki nun CLOBBER BOYS na?!

Wait, ‘yung pamumukpok ba pa’no nag-umpisa?

At upang makumpleto pa nga ang eksena,

Naroong sa buhok babae’y hinihila!

 

For others ay DIAMOND dahil girl’s best amiga!

‘Yay dun sa may SHOPPINGDICITIS at BILIMIA!

Syempre ang SPADE o PALA rin ka-kategorya!

PALA ay panghukay, eh di DIGGER ano pa?!

 

Eh HEART what’s in the middle ba n’ya? Eh di TENGA!

EAR! Ang Tenga Kong Pag-ibig dating ganon ba?

Eh CLOVER? C-LOVE-R! Loob lang ng CR s’ya!

Ang sarap ng feeling pag nailabas mo na!

 

I mean pag nasabi mo nang I LOVE YOU ‘di ba?

At nailabas din nung babae ‘yung kanya!

Ngek! Teka nga’t parang nagkakabastusan na!

Basta, mula sa Poet Ko este, N’YO pala…

 

HAPPY VALENTINE’S DAY AND I CLOVER YOU ALL!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with