^

Entertainment

‘Please Fake For Us!’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star
�Please Fake For Us!�

Real: I was born in the Year of the Dog. Fake: Mahilig ako sa dog

He, he, he … Abalang-abala lahat halos

Sa pagtalakay at debate tungkol “fake news”

But wait, fake din ‘yung tawa ko ‘di ba? Oh my gosh!

Ngek! Fake din reaksyong Ingles! Oh please FAKE FOR US!

 

Fake kayo nang fake pero ilan ba sa inyo

Ang makapagsasabing lahat ay totoo

Sa mga galaw at sinasabi ng tao

Sa araw-araw nila pagkagising nito?!

 

Naturalmente natural lang pag tulog tayo!

Nakabukaka’t suot pa lumang T-shirt n’yo!

Nakanganga at humihilik pa nga kayo!

Panis na laway n’yo bumuburda sa pillow!

 

Nakabisaklat nga ang lahat! Ang fake n’yo!

Ops, erase! Ang ibig sabihin ko po rito

Ay huwag kayong puna nang puna masyado!

Eh maraming “peke moves” pag gising ang tao!

 

PEKE MOVESand WORDS, put-on o pakitang tao!

O fake–kitang tao ang eksaktong-eksakto!

Bakit, sa fake boobs and fake nose sawa na kayo

Na ibalita kaya NEWS na ang news ninyo?!

 

Huwag tayong masyadong peke-alamero!

Kung ano “fake” nasa sa bait na ng tao!

Pulso na naman natin kung ano totoo,

Hindi na kailangan pang idikdik ito!

 

Sinasabing “fake news” ay “tsismis” lang kumbaga,

Matagal nang panahon na nating kasama,

Kaya ‘di na “new news” kaya wala nang kwenta,

Pagkaabalahan na lang natin ay iba!

 

Pag sinabing good or bad ang kape talaga,

O good ang puti ng itlog at bad ang pula,

Hanggang nga ngayon pinagdedebatehan pa,

Ano tingin n’yo mas totoo sa dalawa?

 

Sa katunayan iba-iba nababasa,

Depende na rin ‘yan sa inyong mga basa,

Kaya biro noon tigilan pagbabasa!

Lahat nasa tao ang laya talaga!

 

Kaya ang meron lang — BALITA o MALITA!

“Press release” ang tawag ano mang kabanata!

Para lang ba ‘yang panaginip na masama,

Magising sa katotohanan ‘ika nga!

 

‘Yang mga “fake” ay nakaka-entertain pa nga:

NOISE na nakakaaliw at nakakatuwa!

Wrong Rangers or Errorists ang nagbabalita!

Sa good news and bad news lang tayo sanay yata!

 

‘Di ko maintindihan ang tao talaga,

Galit sa “plastic” pati “fake news” na’y isama,

Ngunit nagkakandarapa’t halos maloka

Sa mga retokadong singers at artista!

 

Kaya kung alin “fake news” ‘wag tayong maghusga,

Kung ano katotohanan ‘yay kanya-kanya!

If I say pogi ako pero matanda na,

Well, FAKE ‘yung huli pero TOTOO ‘yung una!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with