^

Entertainment

Ako’y ‘Patawa’ Rin!

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star
Ako�y �Patawa� Rin!

Ang ‘Patawa’ at Ang Poet N’yo kasama ang ilang ‘patawa’ ni Ang Kiukok

Sasakit ang ulo ninyo kung iisipin

Kung ano ang “HUMORIST” pag Tatagalugin!

PATAWA na lang kaya tulad Charlie Chaplin?

Syempre si Tito, Vic at ako “PATAWA” rin!

 

Ngek! Patawa rin? Parang kasalanan o SIN!

If it is hindi pinagsisisihan namin!

Humorist, comedian o PATAWA na nga rin,

Kahit na ilang buhay pa ay uulitin!

 

LUKAYO o KOMIKO ay uubra na rin,

Sa Ingles ay CLOWN, PIERROT o kaya’y HARLEQUIN!

Ang ilang PATAWA na aprub sa akin —

Jose, Wally, Paolo at Michael V. sa atin!

 

Isang ganap na PATAWA sa ganang akin

Ay ‘yung sa ano man ay merong mapapansin!

Pagkat mga BALA n’ya doon manggagaling!

‘Yun bang waring kahit tulog ay nakatingin!

 

Ang maging PATAWA ba ay mahirap gawin?

Magmula lang sa akin yaring sasagutin —

Kumbaga dapat manggaling UNDER YOUR SKIN!

But DAPAT alam rin kung kailan KAKAMUTIN!

 

Palagay ko lahat may PATAWA na angkin,

Iba’t-iba nga lang ang palapag ng galing —

Meron ding matatawag mga mahiyain…

At merong masayang — masayang gagamitin!

 

Ang salitang “HUMOR” sa kanyang simulain,

APAT NA KATAS ng katawan daw nanggaling

Na pumipigil sa emosyon at timpla natin —

DUGO, PLEMA at sa APDONG dilaw at itim!

 

Ngek! Dahak at dura na nakaririmarim?!

Nung una’y sistema lang ito sa Medicine,

More than 300 years pa lang, nang saliklisin,

When the word HUMOR ay sa FUNNY na gamitin!

 

Kung bakit? Well, ito nama’y sa ganang akin —

Salitang TAWA kung ating babaliktarin,

WATA o WATER… TUBIG sa sariling atin,

O hindi ba nga’t WATER is the best medicine?!

 

Alam kong isang ‘yun medyo kadiri rin

Ngunit pinagmulan ‘wag nang pakaisipin,

Ang mahalaga — “Laughter is the best medicine.”

It’s NOT THE WORD but the REWARD ating namnamin!

 

Ngunit sa seryong PATAWA kung tutuusin,

Dapat talaga ay meron kang KILLER INSTINCT!

Lahat ng klaseng likido ay pakakatasin —

Kung pwede sa PATAWA ikaw’y PAIHIIN!

 

Kung konek sa katas talaga hahanapin,

“Luha sa katatawa” saan ba nanggaling?

Sa laki ng ambag sa inyo bang paningin,

DUGO at PAWIS ginugol ni Charlie Chaplin!

 

Basta kung ano man s’ya at saan nanggaling,

HUMOR ay YOU MORE din kung inyong mapapansin,

Mahalaga’y if YOU have TAWA in your living

Ay MORE mo pang ang buhay mo ay e-enjoy-in!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with