^

Entertainment

‘Of Paputok and Pepe Talk’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star

Muli sa lahat Masaganang Taon-Taon!

That’s UNLIMITED greetings for your information!

Kapayapaan lagi sana’y magkaroon

At may pagpapala mula sa Panginoon!

 

Dahil “CHANGE” na lang lagi every year usapan,

May isang pagbabago akong naisipan —

Tungkol ba sa tuwing may New Year celebration

Lalo na sa bahagi ng mga putukan!

 

‘Di ba n’yo napansin waring tayo na lamang

Pagdating sa paputok ang naghahagisan?!

‘Yun bang kinakamay, talagang matatapang!

Kung kaya malimit din na napuputulan!

 

Sanay kasing magmano sa ninong at ninang

Kaya MANO-MANO rin paghagis ng BAWANG!

Kahit na malalakas ay hinahawakan!

Nawawala rin panghawak nila kung minsan!

 

Sa Europa paputok nakasentro na lang

Sa isang sikat na landmark nila kung saan —

Sa Paris Eiffel Tower ang iniilawan!

Harbor sa Hong Kong, London Eye sa London naman!

 

Sydney Harbour Bridge sa Australia ang putukan!

Sa Sky Tower sa Auckland naman sa New Zealand!

‘Yun bang hindi na kanya-kanyang paingayan

Kaya ‘di delikado sa mga lansangan!

 

Sa Dubai nga ang Burj Khalifa ang nilagyan!

One of the World’s Tallest Buildings lang naman!

Building, tower, bridge, harbor o sa tsubibo man!

Uubra basta gastos ng pamahalaan!

 

Para naman mabawasan nag-aawitan

Ng “Two Less Blown Up Fingers in the World” lang naman!

O kaya’y “Hawak Kamay” … ibig sabihin n’yan —

Hawak ng iba kamay n’yang naghiwalayan!

 

Maganda ngang fireworks display ay isa na lang

Nang DIRTY nose at NO FINGERS ay maiwasan!

Makabubuti ring PUTOK ay mabawasan

Nang ang ating taon BUMANGO-BANGO naman!

 

Problema kasi sa Pinas ang paglalagyan,

Wala raw tayong lugar na ipagyayabang!

May nag-suggest monumento sa Caloocan

Yaman din daw mga estatwa dun palaban!

 

Tutal nga raw tayo sa paputok matapang!

Sinusugod agad ang mga nagmintisan!

Paalala rin itak ni Andres na tangan

Sa mga makukulit bago maputulan!

 

May hirit pang si Rizal sa Luneta lagyan!

At ito naman ay agad na tinutulan!

At ‘yung nagmungkahi baka nalilimutan —

Eh dun nga’t Disyembre rin nang sya’y paputukan!

 

Ano ba nais n’yong ganap pag pinayagan!

Pag pailaw at paputok na’y sisimulan,

Sabay-sabay buong bayan magsisigawan —

“PREPAREN, APUNTEN, FUEGO!” gagawing countdown!

 

Ngek! National Hero nga ‘di pa inabutan

Bagong Taon dahil a treinta binanatan

Oks lang daw dahil dun naman sa Bagumbayan!

Tingnan n’yo itong mga kulang sa paggalang!

 

At ayon na rin kay Ambeth na kasaysayan —

Binigay ni Rizal ang itlog n’yang agahan

Sa isang DAGA kasama n’ya sa piitan,

 Kaya suggestionLuneta gawing DISNEYLAND!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with