^

Entertainment

‘Baguio Here We Come!’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star
�Baguio Here We Come!�

Ang Dabarkads ng Eat, Bulaga sa Baguio Country Club

Noong September 7 ginanap sa Baguio

Isang Media Congress at Dabarkads dumalo,

Maraming taon ding hindi napasyal dito,

Sa mahabang viaje medyo na nahihilo!

 

Kahit sabihin pang ngayo’y dire-diretso

Dahil SCTEX at TPLEX na sementado,

Wari kasing nasanay nang mag-eroplano

At sa totoo sa kalye na ay kabado!

 

Kaya sa apat na oras ay gising ako!

Tinitingnan na lang mga tanawing bago,

Hindi makapaniwalang gumawa rito

Ng pelikula’t ‘di lang isa kundi TATLO!

 

Pangalan ko nga pala sa sulok na ito,

Kasama si Cheetah-eh sa seryeng ikatlo,

Porma ni Starzan alam n’yo naman siguro,

NAKAHUBAD sa Baguio akalain ninyo!

 

Elvis & James muna tinira namin dito,

Si Rene si James DIN, ako si Elvis Presto!

Dito ‘yung eksenang nanggulang mga loko,

In one school outing ‘di nag-pay mga damuho!

 

Nung excursion time na naka-trunks mga gwapo,

Alam kasi nila ang bus sa beach ang tungo,

Inasar pa naka-jacket na classmates nito,

Ang ‘di nila alam ito ay TRIP TO BAGUIO!

 

Kung kaya mga bida pagdating sa dulo,

Ang kawawang sidekick ko nanigas nang husto!

Kaya ayun sa tabi ng fireplace… TINO-THAW!

Sa Little and Big Weapon s’ya rin kasama ko!

 

1972 unang tikim ng Baguio,

Isang bahagi ng una naming TV show —

Okay Lang ang title at okey pa nun dito,

Mga pine trees nun ligaya pa ng ilong mo!

 

Kaya ngayon nga kung tatanungin n’yo ako

Kung ano unang maiisip tungkol Baguio,

Ubra pa ring ube’t strawberry mabanggit ko,

Raisin Bread at ‘yung sa barrel na LABAS ANO!

 

Kung tutuusin ay tumatayo ako

At sumasaludo sa nakaisip nito!

May ka-love team pa ‘yang tumatayo ang suso!

Dapat nga’y tanghaling National Artist ito!

 

Sapagkat ‘yay produkto na kilala tayo

Sa buong daigdig sa inukit na Apo

Na hoholdapin ka pag bariles tinanggal mo!

Sa totoo lang ito’y magandang tropeo!

 

Sa marami-rami ring pagbisita rito,

Akalaing ngayon lang nalaman kung ano

Pangalan ng lugar kung saan zigzag dito!

TUBA! Ayun… TUBA! Maybe short of TO BAGUIO!

 

Ngek! But nung back to Manila next day na ako,

From Tuba to TOO BAD na muli ang trapiko!

‘Yung 4 hours papunta naging 5 pag-uwi ko!

Mula sa malamig ay uminit ang ulo!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with