^

Entertainment

‘Kantonese Pa More!’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star
�Kantonese Pa More!�

Nauso rin noon na kapag NAISAHAN o NAGULANGAN ka, ikaw ay na-ESCALERA!

Kung sa salitang KANTONESE kayo’y NATENBITS

Mga lengwaheng KANTONG NILATSU ko last week,

Eh di sagarin na natin mga repapips,

Aprub habang tsumitsika ng KANTONG PANSIT!

 

DEHINS lang ito mga pang-kantong TASALITS,

Mga ilang TOKWENS na rin ating isingit,

Tulad pag nagsugal sa baraha o sa TEKS,

‘Di ba kartada’y BUTATA pag sobra hirit?!

 

Tanda n’yo pa bang HIRIT ay galing sa “hit it!”?

Iba ‘yung hitit sa yosi and speaking of it,

Pag sa kaha pagkuha iyong sinisipit,

TSINATSANI mo na yu’t ipinagkakait!

 

LEKBAHAN natin ang petmalu o malupit

Na pinagdaanan ko mula nung maliit,

Naranasan ba ninyo pag nagpapagupit

Ahitan ng blade nakaipit lang sa sipit?!

 

Korekek, sipit sa sampayan ginagamit!

Veinte-cinco centimos lang kasi, very cheap!

Amoy paksiw pa nga ang balabal na lintik!

At NAKAPO-UPS ka lang sa TA-BANGKE ng street!

 

Op kors lahat tayo’y nagtsinelas ng pam-beach!

‘Yung bang goma sa hinlalaki nakaipit!

LAS-TSINE ng PON-JAPS upuran nun ang gamit!

Subalit kayo ba’y nakagamit ng SUNGKIT?!

 

Gawa sa kwero, balat o katad ang sungkit,

Karaniwan mga siga ang gumagamit,

Bigtime na sabungero at tsip ng syndicate,

Pati nga Ang Poet N’yo sa sungkit naakit!

 

Kaya nga “sungkit” kasi kapag iniligpit,

Hintuturo’t gitna susungkit at sisipit!

At pag nag-“dirty finger” nun sa KANTOSPEAK,

Tawag NAGPAPALUSOT… WAN-E ko kung bakit!

 

Maybe dahil umaatras kanyang right and left

Dalawang daliring dito ay umiipit,

Kung kaya nga ang middle finger o ‘yung NA-GIT,

Nagmimistula tuloy nakaturong ET-ET!

 

Sandali’t napansin kong ako na’y nasabit

Sa rhyming ko sa dulo na puro tunog EAT!

Pero nandyan na kaya LOY-TU na lang TO-ITS…

Bakit nga ba nun pag YAKANG-YAKA ay BISKWIT?!

 

Grumadweyt pa sa SISIW… but that’s easy and quick,

“Chicken feed” kasi naman ‘yun nag-originate!

Tanda ko rin pag nagmura wala pa nung SYET!

Maamo pa nu’t puro may “INAMO” gamit!

 

ESKAPO o ESKYERDA noon pag IISPLIT,

Ngunit KAKALAS at BABATSI nun ang da best!

TE-KONS pa lang nun ang tungkol sa pagdadamit,

Pinaglumaan ng Lolo LONTA kong gamit!

 

Syempre ALAWS pa kaming pang-TOSGAS na ATIK,

Mga “hand-me-downs” nga ilan kong mga gamit!

Meron ding ilang KAWNAKS o mga PINITIK!

May HAND-ME-DOWN at may galing HANDS UP! I’m complete!

 

Ngek! Aminin n’yo kayo du’y napahagikhik!

Ako rin ay natawa nung aking maisip!

Magandang sign ‘yun not because para kang adik!

Would you believe… MATATAG ANG IYONG SELF-RESPECT!

 

Mga KAD-LA noon bago pa naging GIMIK,

Syempre PETSA ang tawag, sa Ingles ‘yan ay DATE!

Mga outing noon excursion kaya’y picnic,

‘Di uso retoke kaya wala pa nung fake!

 

Una pang nagamit yan sa pagiging PLASTIK!

Kaya lang baka masampal kapag nagalit,

Ingat lang at baka sa babae’y masambit,

“Ayoko na sa’yo pagkat ang PEYK-PEYK mo!” Ngek!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with