Bakit sa palagay n’yo yung manok ang nasa tuktok? Eh kasi iba na ’yung malakas sa itaas! Iba na ’yung alalay ka ni San Pedro!

‘Kahayupan Pa More!’
ME, STARZAN - Joey de Leon (The Philippine Star) - August 12, 2017 - 4:00pm

Sabi ng ibang hayop, “Hayop na buhay ‘to!”

Galing kay BATU-BATO at kay PARU-PARO!

Wari raw silang larua’t hindi totoo

Kapag inuulit mga pangalan nito!

 

Katulad din daw ito ng “tau-tauhan”!

Kaya naman daw ay “kabayu-kabayuhan”!

Si Baboy na naman ay biglang nakialam,

“Oks na ‘yan kaysa naman PARO at BATO lang!”

 

“Kung Paro lang para kang galing sa kulungan!

Kung Bato lang ADIK naman ang dating mo n’yan!”

Kunsabagay sa Tagalog lamang naman ‘yan,

Sa Ingles nuknukan kayo ng kasosyalan!

 

Imadyin, BUTTERFLY at ZEBRA DOVE lang naman!

Nang biglang kay Pig lumambong ang kalungkutan,

“Buti nga kayo may pakpak at kalayaan,

hindi tulad kong PINAPAPAK kalaunan!”

 

At si Baboy tinuloy-tuloy pa ang drama,

“Ikaw Paru-paro bulaklak nakukuha

Ang kinakain mo at ang bango-bango pa,

Eh ako?! Kaning baboy lang at tira-tira!”

 

“Hoy Baboy, tama na hugot!” sundot ng PATO!

Bweltang galit ni Pig, “Pato ka ng ina mo!

Ano’ng pinagkakakwak-kwak mong bibi kang bobo?!

Hindi HUGOT kundi TUHOG inaabot ko!”

 

Na-high blood ang baboy at bihira lang ito!

Galit din si Pato, “PORK ka rin ng ina mo!”

Nakupo at pumagitna na si KABAYO,

“Oy tama na at baka sipain ko kayo!”

 

At nag-rap na ito, “Mga KABABAYO ko…

Ipakita n’yo sa tao na hindi tayo…

Ugaling hayop ngek! Tama ba sinabi ko?!”

Bulong ni Pig, “MGA KABABUYAN mas ‘sakto!”

 

At sa punto nang ito ng mga diskurso,

Mapapansin na ang ‘di mapakaling TSONGGO,

Nang piliting suliranin naman nya’y ano,

Ano ba raw dapat dahil mukha s’yang TAO?!

 

Lumikha ba raw nu’y nag-eeksperimento?

At silang unggoy ang naging resulta nito?

At ‘yan sa isipan nila ang gumugulo,

Sila raw ba ay susi sa mga misteryo?!

 

Na sila ang susi sa ugnayan sa tao,

KEY TO MAN… MAN KEY… kaya naging MONKEY you know!

Kaya raw sila laging paroo’t parito,

Dapat ba silang mahiya at mukhang tao?!

 

Natahimik ang lahat tila naging seryo,

Gumitna si Manok, syempre pa s’ya ang HEN-YO!

“O ano, napag-isipan n’yo ba kung ano

Nais n’yo pag isinilang muli sa mundo?!”

 

“Sino dito ang gustong bumalik na aso

Na kaibigan daw at alaga ng tao?

Basta ‘wag lang makita ng lasing sa kanto!

O gusto n’yo tulad ko na ipiniprito?!”

 

Walang umiimik at dugtong pa ng Hen-yo,

“O baka gusto n’yong ipanganak na tao?!”

Silence… then… Isang dumadagundong na… “OO!”

“NANG MATIKMAN NATIN LAHAT NG NANDIRITO!”

 

Ngek! sandali la’t lalo pa yatang gumulo,

Nagkatawana’t nagkailangan siguro!

Pero Suso’t Pagong nasa malayong dulo,

At grooving pa rin sa himig ng “Despacito”!

Philstar
Facebook
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with
Read and share the latest news
whenever and wherever you are.
Top Stories
Features the most relevant stories,
exclusive content, analyses and special reports.
As It Happens
Get bite-sized highlights and up-to-date
information as the news breaks.
Latest
View the most recent
stories of the day.
Log-in
Lorem ipsum dolor sit amet,
consectetur adipiscing elit.
Quisque justo est, auctor vel ullamcorper.
Log-in
Lorem ipsum dolor sit amet,
consectetur adipiscing elit.
Quisque justo est, auctor vel ullamcorper.
How to follow As It Happens stories
STEP 1
Click the story in the As it Happens section.
How to follow As It Happens stories
STEP 2
Click "Follow Story" for updates on the news.
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.
How to follow Author
STEP 1
Click on the author's name in the article.
How to follow Author
STEP 2
Once you click on the author's name, you will be
brought to the Authors page. Click "Follow Author"
to stay updated on the author's works
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.
How to follow Tags
STEP 1
Click on a tag in the article.
How to follow Tags
STEP 2
When you click on a tag, it will take you to the
dedicated tag page where you'll see the article
viewed, along with other stories with that tag.

Click the "follow tag" button to stay updated on
the topic.
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.