‘Lapu-Lapu Land’
ME, STARZAN - Joey de Leon (The Philippine Star) - March 19, 2017 - 12:00am

Ano ba talaga ang mas konti ang problema?

Ang maging mayaman o maging mahirap ka?

Pagda-DIET pinoproblema ng may pera,

Pero sa dukha eh wala lang sa kanila!

 

At palagay ko rin sa mga poor and with less,

STRESS is not in their vocabulary I guess!

Kung bakit I think hindi sila na-i-stress?

Wala kasing executive check-up and stress test!

 

Teka at ‘wag na nating pag-usapan ‘yan please!

Isa na lang tanong ko and my question is this —

Bakit ba tunog ng WANG WANG nakaka-stress?

Totoo ba kasing Wang plus Wang plus Wang… IS TRES?!

 

Ngek! At dahil dito’y napansin ko na rin ba

Na SIRENS and SILENCE magkatunog but kontra!

Tulad ng PANGIT at LANGIT at marami pa

Ops, ano nga ba pag-uusapang maganda?

 

Ito sana ang paksang pakikialaman

Three days ago tungkol sa ating kasaysayan,

Remember March Sixteen Fifteen Hundred Twenty-One

When The Philippines was discovered by Magellan!

 

Tulad Magallanes naglayag ang isipan —

Kung hindi sila naligaw sa ating pampang

Hindi sana PILIPINAS ating pangalan,

Kaya’y magkaka-nickname tayo ng PINAS lang!

 

Ngek! Kitams, ayan na naman! Tunog PINASLANG!

May point pala si Lapu-Lapu makialam!

Kaya lang isip-isda rin kung huhusgahan,

Eh di s’ya na sana nagpangalan sa bayan!

 

Pwedeng “Lapu-Lapu Land” or in short, LA LA LAND!

Basta ‘wag lang ‘yung buntot ng kanyang pangalan

Sapagkat mas mabantot pa kaysa PINASLANG!

La La Land na lang basta ‘wag PU PU LAND naman!

 

Ano kaya tawag ng ating unang angkan

Sa lupang hinirang na itong sinilangan

Bago mga dumayo tayo’y bininyagan?

May hinala ako’t malamang-lamang… MACTAN!

 

Ano’ng malay nyo’t ano inyong katibayan

Na sinabi ko ay walang katotohanan?

Eh ‘yung PHILIP nga sigurado ba kayo d’yan

Na kay Felipe Segundo nga’t ‘di sa Inang?

 

Sa Inang Reyna n’yang FELIPA rin pangalan!

Pwede ‘di ba dahil tawag nyo’y INANG BAYAN!

FILIP-INA ang una nating katawagan!

PHILIPPINES ay tawag ng Kano sa atin ‘yan!

 

‘Di n’yo ba napansin? SARDINAS ay SARDINES ‘yan!

Kung kaya PILIPINAS ay Philippines naman!

Hindi sa ako ay nagpapaka-comedian,

Eh d’yan tayo hinilera ng Americans!

 

Eh kung ang dumaong kaya sa atin naman

Ay sina John Cabot, Marco Polo and his gang —

Vespucci, Columbus, si, certo! The Italians!

Pag Pasko kaya Godfathers magtataguan?!

He, he, he… pero Kano na naman ay tingnan,

Talagang mga pangalan pinapalitan!

Si Caboto na Giovanni ay naging si John!

Cristoforo Colombo si Columbus naman!

 

Kung ang nag-discover pala sa ating bayan

Ay si Marco na kaibigan ni Kublai Khan,

Aba’t waring Ralph Lauren ating magiging brand —

Pangalan natin ay POLOPINAS malamang!

 

Well, ito lang naman ay napag-uusapan,

We’ve had our chance pati nga pagsakop ng Japan!

At kung feel n’yo pa to be somebody’s Motherland,

TRAVEL! Sa iba’t-ibang airports mag-LA LA LAND!

LAPU-LAPU LAND
Philstar
Facebook
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with