^

Dr. Love

Tutol ang pamilya ng bf sa relasyon

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang ninyo akong Roselyn. Gusto ko lang naman na may magmahal sa akin ng totoo.

Tulad ng iba, isa ako sa mga niligawan, binuntis at iniwan. Kaya heto ako nagtiwala, nagmahal kahit iniwan, patuloy na lumalaban pa rin sa buhay.

Hindi ko alam kung itutuloy ko ang bagong relasyon ko. Mahal niya ako, kaso ramdam ko na hindi ako tanggap ng pamilya ng bf ko. Bakit nga raw sa dinami-dami ng babae ay pumatol pa siya sa akin.

Nag-stay kasi ako ngayon sa kanila at kasama ko ang anak ko sa unang bf ko. Hindi naman ako kasal at wala naman akong dapat balikan.

Kaso ‘yung mga mata nila kapag kausap ako, para akong natutunaw at nahahatulan na gaya ng isang pokpok o kaladkarin.

Hindi ko ginusto ang kalagayan ko ngayon. At hindi ako kaladkarin.

Kahit hindi nila sinasabi sa akin ay parang binubulong nila sa kalooban ko ang gusto nilang iparating sa akin.

Sa totoo lang, mahal ko ang bf ko ngayon at dahil sa sitwasyon ko ay napipigilan akong itodo ang pagmamahal ko.

Baka naman dahil sa kanyang pamilya ay iwanan din niya ako.

Ayokong manumba’t kung bakit ako nagkaganito ngayon.

Wala naman akong magagawa kung walang paninindigan ang una kong naging bf. Masakit lang dahil parang sobrang baba ng tingin nila sa akin.

Roselyn

Dear Roselyn,

Huwag mo masyadong pansinin ang mga kinikilos o kahit ang masasabi ng mga kamag-anak ng bago mong bf.

Ang pakasiguraduhin mo ay kung talagang mahal ka niya.

Walang magagawa ang iba kung maninindigan siya sa relasyon ninyo. Mag-focus ka sa pag-aalaga sa anak mo at baka masundan pa ‘yan.

Ayusin na ninyo ang inyong pagsasama ngayon para sa magiging kinabukasan ng iyong anak at ang magiging anak ninyo.

Magpakasal kayo para matigil na rin sila ang pambubuyo. Kung kasal na kayo, wala ka nang pangambang iiwanan ka niya.

Humingi ka rin ng legal advice kung kailangan.

Ang nakaraan ay lipas na, harapin mo ng buong tatag ng kalooban na isa kang babaeng disente.

Kaya dapat irespeto at huwag mo ng isipin pa ang mga ipinaparatang sa iyo ng iba.

Magplano kayo para maging maayos at masaya kayong ng bf mo.

Dr. Love

vuukle comment

DR.LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with