^

Dr. Love

Hindi matanggap ang sinapit ng kapatid

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang ninyo akong Niño. Gusto ko lang magbuhos ng sama ng loob sa pagkamatay ng kapatid ko. Mag-iisang taon na, mi-miss ko lang siya. At nanghihinayang ako sa kanya dahil hindi ko matanggap na mamamatay lamang siya dahil napagtripan.

Mabait ang kapatid ko, walang kaaway. Tahimik lang na nagbabantay sa may tindahan nila. Hindi nga namin naisip na huling araw na pala ‘yun na makakausap namin siya. Maaga siyang nagbukas para sa hapon maipasyal niya ang kanyang mag-ina.  Pero maaga pa lang, sinaksak na siya ng isang adik. Sinaway niya ito, kaya nainis sa kanya.

Dating taga-lugar nila. So, noong umagang ‘yun dumating na nag-aalburoto ang adik na ito, bangag na banga. Praning na praning at nangu-ngulit, napagtripan ang kapatid ko.

Nakita ko na lang na nakahandusay siya sa labas ng kanilang tindahan. Sinubukan ko siyang itakbo sa ospital pero DOA na.

Ang ikinalulungkot ko, nakapabata pa ng kanyang anak. At marami pa siyang pangarap para sa kanyang pamilya.

Niño

Dear Niño,

Delikado talaga ang panahon natin. Marami pa rin ang nalululong sa bawal na gamot. Nakikiramay ako sa kapatid mo. Tanggapin na natin na wala na siya.

Hangga’t maaari, tulungan mo ang kanyang asawa’t anak para makaahon sa buhay. Mahirap ang maging single parent.

Kailangan talaga ang mag-ingat. Ang payo ko, lalo na sa mga kabataan, umiwas na agad kapag may kakaibang kilos na napapansin sa mga taong hindi ninyo kilala, lalo na kung lasing o bangag. At higit sa lahat, iwasang gumamit ng ipinagbabawal na gamot. Kaawa awa ang pamilyang nasisira dahil sa kakagawan ng iba na walang pagpapahalaga sa kanilang buhay.

Dr. Love

vuukle comment

DR.LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with