^

Dr. Love

Kahit masakit, tanggap ko

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang ninyo akong Ronel. Gusto ko lang po iparating sa gf ko na alam kong wala na siyang gana sa aming relasyon, dahil may iba nang napapasaya sa kanya. Kahit hindi mo sinasabi sa akin, tanggap ko naman.

Masakit, Dr. Love. Masakit na malaman na ayaw na niya sa akin. Nagiging ingay lamang ako sa tenga niya. Para akong isang bagay na pinagsawaan. Ginagawa ko naman ang lahat, pero hindi ko madiktahan ang puso niya.

Hindi ko alam kung anong malaking pagkakamali o pagkukulang ko. Ang alam ko lang ay minahal ko siya ng sobra.

Gusto kong makalimot. Iniisip ko ang aming pangarap at magandang alaala noon, na ngayon ay parang yelo na natunaw.

Pero kahit masakit sa kalooban ko, lakas loob kong pinahahayag na kahit ayaw mo na sa‘kin, mahal na mahal pa rin kita!  Mahirap makalimot!

I’ll be missing you. Grabe! Naiiyak na ako, Dr. Love baka hindi ko na kayanin.

Ronel

Dear Ronel,

Kalmahin mo ang iyong sarili. Pigilan mo na maging masyadong emosyonal. Huwag kang mag-self pity. Subukan mong maging matatag sa pagtanggap ng katotohanan.

Gawin mo pa rin ang alam mong makatutulong sa iyo. Subukan mong kausapin siya. Kung talagang ayaw na niya sa iyo, ipagdasal mo na tulungan ka ng Maykapal para makalimot.

Huwag mong payagan na huminto sa pag-ikot ang iyong mundo dahil sa isang masaklap na pangyayari, na kahit kailan ay hindi mo naman magiging kontrolado.

Marami pang magagandang bagay ang pwedeng mangyari sa iyong buhay. Kaya itodo mo na ang pag-iyak. Pero ‘pag tapos ka na, ayusin mo ang iyong sarili at humarap sa panibagong yugto ng iyong buhay.

Dr. Love

vuukle comment

DR.LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with