^

Dr. Love

Hindi nadidiktahan ang puso

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Maaga akong naulila sa ama at tanging ang aking inay ang nagpalaki at umaruga sa akin. Twenty one na ako ngayon and still single. Tawagin mo na lang akong Charm.

Lalong napamahal sa akin si inay sa laki ng ginawa niyang sakripisyo para sa akin. Nang namatay si itay ay maraming lumigaw sa kanya pero hindi na siya nag-asawa pa.

Magaling siyang sales agent at ‘yon ang ibinuhay niya sa akin.

Ako naman ay nakatapos ng business administration. At nagtatrabaho na rin bilang branch manager ng isang kompanya.

Walang gusto si inay na hindi ko sinunod. Sa paraang ito ko lamang maipakikita ang pagtanaw ko ng utang na loob. Mayroon siyang napupusuang lalaki para sa akin. Anak ito ng kanyang best friend. Nanligaw ito sa akin, bagamat guwapo, wala akong gusto rito.

Kung bibiguin ko si Inay, magdaramdam ito sa akin.

Ano ang gagawin ko?

Charm

Dear Charm,

Sa usapin ng pag-ibig, hindi obligado ang sino man na sumunod sa dikta ng sino man, pati ng magulang. Sariling kinabukasan kasi ng tao ang nakataya diyan.

Mauunawaan ka naman marahil ng inay mo kung maipapaliwanag mong mabuti kung bakit ayaw mo sa lalaking inirereto sa iyo. Huwag mong i-assume na magagalit siya sa iyo kung susuway ka sa kagustuhan niya.

Ako ay magulang din at ni minsan, hindi ko pinakialaman ang mga personal na desisyon ng aking mga anak nang sila ay nasa wastong gulang na. Ayaw ko kasi na maging rason ng kanilang pagkapahamak dahil pinangibabaw ko ang gusto ko sa kanila.

Tiyak ko na maiintindihan ka ng inay mo kung tututulan mo ang kagustuhan niya para sa iyo.

Dr. Love

vuukle comment

DR.LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with