^

Dr. Love

Magpakatatag ka!

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po si Edwin, hindi ko tunay na pa-ngalan. Dr, Love, ang hirap ng buhay lalo na ngayon. Mas malaki ang gastos kaysa sa suweldo. Hindi po ako nagrereklamo sa ating gobyerno at alam ko naman po na ito ay epek-to ng gera sa Russia.

Mainam po na may ayuda, pero talagang kapus po. Sa pamasahe at pangkain lang sa araw-araw, ubos na ang budget. Paano pa ‘yung mga loans at bayad sa mga bills.

Mabuti at marunong mag-budget si misis. Napagkakasya pa rin namin ang kinikita ko at ang kita niya sa pagma-manicure. Mabuti at isa lang ang anak namin. Grade 4 pa lang, sa public nag-aaral.

Kung pwede nga lang magtinda ako sa gabi ay gagawin ko. Ayoko rin naman umasa sa iba para lang manghingi o manghiram ng pera. Lalo lang akong nababaon sa utang kung mangungutang pa ako.

Isa po akong maintenance sa isang company. Ang problema, kapag walang pasok, walang kita.

Sana po matulungan ninyo ako.

Edwin

Dear Edwin,

Lahat naman tayo ay apektado ng krisis dulot ng kaguluhan sa ibang bansa. Magtiis hanggang maikli ang kumot, magtipid at bawasan ang mga pagkakagastusan.

Bilang tatay, magpakatatag ka. Una ang pamilya mo ay umaasa sa tibay ng kalooban mo. May awa ang Diyos! Pero syempre, gagawa pa rin tayo ng paraan para madagdagan ang ating income.

Kung kakayanin mo pang magtinda sa gabi o mag-ahente ay gawin mo. Maraming mga sideline na pwede mong pagkakitaan. Basta malinis at ‘yung walang sabit.

DR. LOVE

vuukle comment

DR LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with