Nagkita silang muli

Dear Dr. Love,

Bakit kaya ganito? Masaya na ako sa piling ng mister ko at tatlong anak, tapos nagkita kami ng aking first love. Loida  na lang ang itawag mo sa akin, 26 anyos na.

Apat na taon na kaming kasal ng mister ko, pero bago ko siya makilala, karelasyon ko na ang unang lalaking naging boyfriend ko. Nagkatampuhan lang kami sa maliit na bagay at walang serious na dahilan sa aming separation.

Nalimot ko na siya nang makilala ko ang aking asawa.

Minsang namili ako sa mall, may bumati sa akin. Hindi ko agad nakilala, siya pala ang dati kong boyfriend. Mula noon, lagi kaming nagkukumustahan sa text.  Nasa Cebu na siya kung saan siya nagbi-business. Ang kaso, lagi ko siyang naiisip. Tama ba ang ginagawa ko?

Loida

Dear Loida,

Mali ang ginagawa mo. Dapat pa bang itanong iyan?

Huwag mong lasunin ang isip mo at bago ka makagawa ng mali ay itigil mo na ang iyong pakikipag-ugnayan sa dati mong kasintahan.

Kahit magkalayo kayo ng ex mo, may posibilidad na magkaunawaan kayong muli. Para sa kabutihan ng iyong pamilya, better stop now.

Dr. Love

Show comments