Be yourself

Dear Dr. Love,

Magandang araw po sa iyo, Dr. Love! Ako po si Ovy. Hihingi lang po sana ng payo kasi matagal na po akong nago-overthink at may insecurities sa panlabas o pisikal na itsura ko.

Simula po nung bata ako madalas akong ma-bully kasi kahit maitim, katangkaran ay may katabaan po ako at “bonjing” kung masasabi ng iba. Nung lumipat naman po ako ng ibang school nung high school, natuto po akong mag-ayos.

Pero pagkatungtong ko ng college, napaba-yaan ko na naman ang aking sarili.

Hindi na ako nag-aayos, may nabuo ng love-handles sa likod ko, may eyebags, nagka-pimples pa, feeling ko po dahil busy na rin sa academics at duty, working student po ako.

Nai-inggit ako sa mga babae na marunong mag-ayos, mga tipong minsan ‘di na kailangan mag-ayos, maganda na.

Hindi ko po maiwasan na maikumpara ang sarili ko sa iba. Hindi rin po ako sanay na nako-compliment, nahihiya po ako ‘pag nasasabihan na may napansing bago sa’kin.

‘Yung ex ko po, napagsabihan na rin ako dati na magpapayat at magpaputi. Parang hindi naman po kaaya-aya ‘yon kasi ‘di niya po tanggap ‘yung pisikal na kaanyuan ko.

Kaya ngayon po na wala akong boyfriend namomroblema ako kasi ganito ang istura ko.

Dr. Love, sa tingin n’yo po masyado ba kong nago-overthink? At masyado po ba akong hard sa sarili ko? Pakiramdam ko po kasi baka need ko mag-ayos para pumasok ako sa standards at para matanggap nila ang flaws ko.

Salamat po, Dr. Love.

Ovy

Dear Ovy,

Sa ngayon, hindi na mahirap ang magpa-beauty. Marami nang mga tips sa social media na matipid pero gaganda ka. Huwag ka rin namang papaapekto sa mga sinasabi sa iyo. Basta gawin mong maayos, malinis at kaaya-aya ang itsura mo, ok na. Be yourself! Hindi mo naman kaila-ngan na magmukhang artista. Depende naman sa tao ang kagandahan. Sabi nga “beauty is in the eyes of the beholder”. Mas simple, mas maganda para sa iba.

Mas mainam pa rin ang may magandang kalooban. Maganda ka, inside-out.

Always wear a smile. Be confident at tiyak na may makakapansin sa iyo. Ingat lang lagi! Stay safe!

DR. LOVE

Show comments