^

Dr. Love

Tinutukso ng pagkakataon

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang ninyo akong Vic. Parang tinutukso ako ng pagkakataon. Bago mag-Valentine’s Day nagpunta ako sa Dangwa para bumili ng bulaklak para sa misis ko. Nang kukunin ko na ang isang boque of roses, bigla na lang may babaeng nagsabing para ba sa akin ‘yan? Nagulat ako at hindi nakapagsalita. Siya ang ex ko.

Bago ko pa ligawan ang misis ko, nagkakalabuan na kami. Hindi ko kasi nagustuhan ang prank na ginawa niya sa akin. Pinagselosan ko ang isang lalaking ipinakilala niya na gusto raw manligaw sa kanya, kahit kami na. Kahit sinabi niyang prank lang ‘yun, hindi ko matanggap na maiisip niyang subukan ang pasensiya ko.

After a year naging gf ko na nga si misis.

Sa Dangwa niyaya ako ni ex na kumain sa Noodle King na lagi naming kinakainan ng pares at pansit canton noong kami pa. Tumanggi nga ako, pero sinabi niya na ang nakaraan ay nakaraan na. Wala siyang bf ngayon kaya siya na lang daw ang bumibili ng flowers na lagi kong ibinibigay sa kanya. Wala na ang galit ko sa kanya kaya parang bumalik ang damdamin ko for her.

Masaya ang kwentuhan namin at naikwento ko na rin sa kanya kung paano kami nagkakilala ng misis ko.

Sa tuwa ko ibinigay ko sa kanya ang bulaklak na binili ko. Alam kong mali pero nadala ako sa damdamin at pananabik ko sa kanya. Binigay niya ang kanyang bagong fb account at cp number, baka raw may kailanganin ako sa kanya.

Bumili na lang akong muli ng bulaklak at tsokolate para sa misis ko. Tama po ba na ini-entertain ko ang ex gf ko?

Vic

Dear Vic,

Sa sinabi mo na nagbalik ang damdaamin mo para sa ex mo, malinaw na dapat putulin mo agad-agad ang anumang posibleng ugnayan ninyo. Burahin  mo ang binigay niyang bagong fb account at cp number. May asawa ka na, period. Manatili kang tapat sa iyong asawa at tiyakin ang  seguridad ng pagsasama ninyo.

DR. LOVE

vuukle comment

VIC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with