Dahil daring manamit

Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang ninyo akong Joel. Naiinis ako sa gf ko dahil lagi naming pinag-aawayan ang suot niya.  Ayoko kasi na lagi siyang naka-sexy dress, nakikitaan siya. Minsan sinabihan ko na siya na magsisimba kami, kasi ang suot niya ay fit na fit, halos bumakat na ang panty niya.  Malaki pa naman ang dibdib niya.

Hindi naman ibig sabihin ay masyado akong conservative. Gusto ko lang na rerespetuhin siya ng ibang lalaki lalo na kapag kasama ko siya.

May nakita na kasi akong nabastos ng isang lalaki ‘yung babae na kita ang cleavage, napikon ang bf kaya pinatulan ang lalaki.

Ayokong mangyari sa amin ‘yon. Pero matigas ang ulo niya. Laging pinagmumulan ng selos ko kapag tinitingnan siya o kaya may kumakausap sa kanya.

Minsan dumalaw siya sa bahay, nagulat ang mama ko sa suot niya. Tinawag niya ako at binulungan ako na pagsabihan ko nga raw ang gf ko tungkol sa mga sinusuot niya.

Minsan nakikinig siya, pero minsan nagugulat ako kapag nakita ko na sobrang daring ng kanyang suot. Tina-try ko naman na pagbigyan siya, kaso hindi lang ako makampante na ganun ang suot niya.

Pagpayuhan po ninyo ako.

Joel

Dear Joel,

Gaano ba kalaki ang tiwala mo sa iyong gf?

Alam mo, ang mga babae gusto nila na maganda sila sa mga suot nila. Lalo na kapag kasama nila ang kanilang prince charming.

Kaya siya nagpapaganda, hindi dahil sa ibang lalaki kundi gusto niyang makita ng iba na maganda ang gf mo.

Pero hindi kita masisisi sa pangamba mo na posibleng mabastos ang gf mo kung nakikita na ang mga parte na dapat ay nakatago lang.

Ang maipapayo ko ay huwag kang magsawa na paalalahanan siya at paliwanagan, pero tiyakin mo na hindi ka magtotonong diktador na magsasabi kung ano ang dapat at hindi niya dapat na isuot.

Bilang boyfriend, you can always suggest. Do it with love.

Making her always reminded na proud ka sa kanya at hangad mo na maalagaan siya sa anumanag aspeto, at maging ang inyong relasyon para marami pang taon ang ma-celebrate ninyo na magkasama.

DR. LOVE

Show comments