Tinatakasan si Misis

Dear Dr. Love,

Itago na lamang ninyo ako sa pangalang Jaime. Five years na po kaming nagsasama ng misis ko pero hindi pa kasal. Nahihirapan na akong unawain siya. Kasi akala mo may alam siya sa mind reading. Lagi niyang pina-ngununahan ang bawat gagawin at desisyon ko.

‘Pag gising pa lang sa umaga magtatatalak na siya. Lagi na lang akong late bumangon. Kaya minsan, ang ginagawa ko tinatakasan ko siya. Habang tulog pa siya ay umaalis na ako ng bahay para hindi ko marinig ang mga sinasabi niya tuwing umaga.

Pero nagagalit naman siya, lagi raw akong hindi nagpapaalam sa kanya kapag maaga akong umaalis.

Marami siyang ibinibilin na minsan nakakalimutan ko, dahil naka-focus ako sa trabaho.  Kaya pag-uwi ko, tiyak na magtatatalak na naman siya… bakit hindi ko nagawa ang kanyang ibinilin. Pinangungunahan pa nga niya ako na hindi ko talaga iniintindi ang kanyang mga request.

Sinusulat ko na nga para matandaan ko lahat. Kapag na-delay lang ako ng konti, sa-sabihin niya na nambabae ako o kaya kasama ko na naman ang mga kumpare ko.

Naririndi na rin ako na lagi niya akong pina-ngungunahan.  Ayoko naman na mapansin pa ito ng aming mga anak. Malilit pa naman sila, kaya alam kong hindi pa nila naiintindihan ang ginagawa ng misis ko sa akin. 

Ano po kaya ang mainam kong gawin para matigil na ang laging pangingialam ng misis ko sa akin.

Jaime

Dear Jaime,

Huwag mong iisipin na kaaway mo ang misis mo. Baka naman lahat ng sinasabi niya ay para rin sa ikabubuti mo at sa ikabubuti ng pamilya mo.

Ganun lang talaga ang mga babae. Concern sila sa mga de-talye ng buhay.  Mainam nga, sinasabihan ka niya at hindi ka niya pinababayaan. Take it as positive. Mas mahirap kong hindi kayo nagkikibuan at walang pakialam sa isa’t isa.

Linawin mo lang sa kanya kung ano ang kanyang limitasyon. Baka hindi mo lang siya sinasabihan ng maayos.

Makikinig naman sa iyo ang asawa mo. Mahal ka niya, kaya ka niya pinakikialaman.

Mag-usap kayo. Mainam din na tanungin mo kung ano ang bumabagabag sa kanya para magawan ninyo ng paraan ang hindi ninyo napagkakasundan. 

Malay po baka gusto lang niya ay pakasalan mo na siya para lumagay sa tahimik.

DR. LOVE

 

 

 

 

 

Show comments