Bagong kama, Bagong baby?

Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang ninyo akong Digoy. Gusto ko lang magpasalamat sa misis ko sa kanyang surpresang bagong kama. Sa wakas! Nakahiga na rin ako sa kamang may kutson.

Delivery driver ako. Naawa ang misis ko sa’kin dahil sa kabila ng maghapon na pagdi-deliver ay sa sahig lamang ako natutulog. May comforter naman kami, pero minsan malamig pa rin.

Hindi ko inakalang magkakaroon na kami ng magandang kama. Ang babaw ng kaligayahan ko, pero it means a lot.

Dahil ipinakita ng misis ko na mahal na mahal niya ako. Alagang-alaga ako ng misis ko.

‘Yun naman ang nagustuhan ko sa kanya. Alam niyang simpleng tao lang ang napa-ngasawa niya, kaya sinamahan niya ako sa simpleng buhay na mayroon kami.

Nitong nakalipas na Pasko, sinabihan ko siya na ang anak na lang namin ang bilhan niya ng bagong gamit o damit. Ok lang din naman sa amin kahit wsalang handa, basta magkakasama kami.

Pero nakaraos pa rin kami, may pansit din at menudo.

At sa konting ipon ng asawa ko, ibinili niya ng kama para may mahigaan kami ng maayos. Talagang sobrang nagpapasalamat ako sa misis ko.

Sakto, baka ngayong magbabagong taon ay magkaroon na kami ng bagong baby. Bininyagan na kasi namin ang aming bagong kama.

Digoy

Dear Digoy,

Muntik mo pang maging kapangalan ang presidente natin na si Digong.

Natutuwa ako una, sa asawa mo. Alam niya ang kailangan mo at ng inyong pamilya, lalo na ‘yung para sa inyong kalusugan.

Talagang kailangan na bukod sa pagkain, may tamang pahinga at tulog.

Simulan mo nang matulog ng maaga sa bago ninyong kama.

Minsan, may mga misis na gusto sila na lang nang sila ang iniintindi ng kanilang mister.

Natutuwa rin ako sa iyo dahil naa-appreciate mo ang effort ng misis mo.

Minsan may mga mister naman na hindi nakikita ang effort ng kanilang asawa.

Sige enjoy lang ninyo ang bago ninyong kama bago pa maluma.

Happy New Year, in advance!

Dr. Love

Show comments