^

Dr. Love

Mga pangarap na naglaho

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

May girlfriend ako at apat taon na kami. Mula sa pagkabata ay magkaibigan na kami at nang matapos kami ng college ay niligawan ko siya. Naging “kami”.

Masasabi mo marahil na ang aming pag-iibigan ay tunay na hinubog ng panahon at hindi kayang buwagin kahit ng ano mang kalamidad.

Ngunit dumating sa amin ang matinding pagsubok.

Nagkasakit siya na unti-unting umagaw sa magandang pangarap namin. Multiple sclerosis ang tawag sa kalagayan niya, naging dahilan ng pagkabaldado at pumaralisa din sa kanyang pagsasalita hanggang tuluyan nang bawian ng buhay.

Nung umpisa pa ay tinapat na kami ng doktor, kaya naman ipinagtulakan ako ng gf ko na iwanan na siya.

Pero hindi ko ‘yun nagawa, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin tanggap ang lahat. Ano ang gagawin ko?

Arnold

Dear Arnold,

Kahit gaano ka pa malugmok sa kalungkutan, wala nang mababago. Nangyari na ang nangyari, kaya simulan mo na rin ang mag-move on.

Natitiyak ko na hindi rin gugustuhin ng gf mo kung buhay ka pa ay mistulang patay na ang bawat araw mo.

Huwag mong sayangin ang biyaya ng buhay, dahil sadyang may bahagi ito ng kalungkutan, na hindi natin kontrolado.

Ang pinakamabuting paraan para makakawala ka sa matinding pighati ay tanggapin ito at magpatuloy sa buhay.

Manalangin ka ng taimtim para matamo ang grasya ng Diyos na kailangan mo para magbalik ang positibong pananaw, interes na magpatuloy sa buhay at muling sumigla sa bawat araw.

Subukan mong ibaling ang iyong atensiyon sa ibang bagay. Makakatulong din kung minsan ay lumabas ka kasama ng iyong pamilya o mga malapit na kaibigan. Kaya mo ‘yan!

Dr. Love

 

 

 

 

 

vuukle comment

DREAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with