^

Dr. Love

Ipinusta rin ang gf

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Pol Chester 20 years old po. Nagsisisi ako dahil sinugal ko pati ang gf ko sa larong dota.

Biruan lang sana pero napunta sa pustahan. Matagal nang natitipuan ng dati kong barkada ang gf ko. Lagi niya akong kinukulit na hiwalayan ko na siya para siya naman daw ang manliligaw.

Hindi lang kami sa laro magkalaban pati sa gf. Pareho kong gusto ang dota at ang gf ko. Kaya kahit pilitin niya ako, sa akin pa rin ang gf ko. Hanggang sa malaki ang natalo kong pera sa kanya na hindi ko nabayaran lahat.

Kaya hinamon niya akong muli, kung willing kong i-give up ang gf ko para sa kanya. Ang akala ko kakayanin ko ang game. Kaso kinapos ang team namin, talo.  Lahat na ay ginawa ko para manalo kami.  Kaso ganun, kailangan tanggapin ko ang pagkatalo.

Ayaw pumayag ng gf ko at nagalit siya sa akin. Bakit pati siya ay sinali ko raw sa kalokohan. Alam ko namang mali ang ginawa ko.

Alam ko naman na hindi niya papatulan ang la-laking iyon. Pero kailangan kong mag-give way dahil iyon ng consequence ng pagkatalo ko. Nakapatanga ko nga raw.

Umaasa ako na mababawi ko ang tiwala ng gf ko sa akin at gusto kong bawian ang grupo nila sa isa pang game.

Pol Chester

Dear Pol Chester,

Never mong i-try uli na ipagpalit ang pinakamaha-laga sa iyo, dahil lamang gusto mong mapatunayan na mahusay ka sa isang larangan.  Talagang hindi tama ang naging desisyon mo.

Mainam pa ring magpakumbaba ka sa iyong gf para naman makita niya na sincere ka pa rin sa kanya. Ngunit hindi iyon assurance na mapapatawad ka na niya.

Huwag mo nang subukan muling manghamon ng laro. Hayaan mo munang lumipas ang araw.

Isa lang malamang ang hangad sa iyo ng mga taong nasa paligid mo, kailangan tumigil ka kakadota mo  para naman mapalahagahan sila.  Kailangan mo mag-isip isip para sa kinabukasan mo.

Dr. Love

vuukle comment

DR.LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with