^

Dr. Love

Umaaktong mag-‘on’ pero ayaw sa tibo

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Matagal na kaming magkasama sa dorm ng kaibigan ko. Sa isang company siya nagtatrabaho, ako naman ay sales lady sa mall na malapit sa dorm.

Masaya naman kami sa aming pagsasama, naging close kami agad dahil pareho kaming Bisaya. Galing akong Iloilo at siya naman sa Bacolod.

Wala kaming kamag-anak dito. Siya ang nag-aya sa akin na tumira sa kanyang dorm nang magkakilala kami sa mall. Customer ko siya noon.

Almost one year na kami. Dumating sa amin na para na kaming made-develop sa isa’t isa.  Kung sino ang naunang umuwi, siya ang nag-luluto.

Sa gabi, minsan minamasahe niya ako. Madalas natutulog kaming makatabi. Kapag nalalasing kami, may nangyayari na sa amin.

Parang hindi ko nagugustuhan ang nangyayari sa amin. Masyado na siyang concern sa akin. Ayokong maging kami dahil pareho kaming babae. 

Gusto ko pa ring magkapamilya ng maayos. Gusto ko sa lalaki, ayoko ng babae din ang karelasyon ko. Alam ko naman na may pusong lalaki siya.

Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya. Umaasa siya na ok lang sa akin ang kanyang pinapakitang atensyon. Sinabi na rin niya na mahal niya ako.

Hindi ko inisip na niloko lang niya ako na lesbian siya, kaya pinatuloy niya ako sa dorm. Malaki rin naman ang naitutulong niya sa akin. Mahirap din kasing mag-isa. Hanggang dito na lamang po.

Gigi

Dear Gigi,

Kung wala kang nararamdaman para sa kaibigan mo, mabuti pa na hangga’t maaga ay masabihan mo na siya. Kung kaya mong humiwalay na ng tirahan, mas mainam para maputol na ang kanyang paghahangad sa iyo. Dahil kung tatagal pa kayo sa iisang bubong, mas magiging confidence na siya na may nararamdaman ka rin sa kanya.

Pwede pa rin naman kayong maging magkaibigan kahit hindi na magkasama sa dorm.

DR. LOVE

 

 

 

vuukle comment

WORK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with