^

Dr. Love

Pinagbabawalan ng magulang

Pilipino Star Ngayon


Dear Dr. Love,

Hello po. Tawagin n’yo na lang akong Carmie 15 years old. Just like other teen-agers, I’m fun loving kaso lang, hindi maka-gimmick dahil sa pandemic.

Pero normal lang sa mga kabataang gaya ko na magkaroon ng manliligaw. ‘Yung ibang friends ko, pinapayagan ng mga parents nila na magkaroon ng boyfriends. Pero ako, pinagbabawalan lagi dahil bata pa raw ako.

‘Yung ibang friends ko, pinapayagang umakyat ng ligaw ang mga suitors nila. Ako, hindi. Naiinggit nga ako sa kanila.  Minsan nga, may ka-chat akong manliligaw ko, inagaw ng tatay ko ang aking cellphone at pinagsabihan na huwag akong makikipag-ligawan.

Sa sobrang higpit nila, naiisip ko minsan na maging pasaway. Kaso hindi naman kami makagala ng tropa ko dahil nga bawal pa.

Hindi po ba dapat na huwag masyadong maghigpit ang mga magulang sa mga anak at baka lalong magrebelde?

Carmie

Dear Carmie,

Kinse anyos ka pa lang at hindi pa ganap na dalaga. Tungkulin ng mga magulang mo na pangalagaan ka kaya sila naghihigpit. Tama lang na huwag maging seryoso sa pag-ibig dahil marami nang kabataang ang na-pahamak dahil diyan.

Lahat ng magulang ay nagha-hangad ng magandang kinabukasan para sa kanilang anak, kaya huwag mong ituring na masama ang kanilang ginagawang paghihigpit.

Mahal ka ng mga parents mo kaya ka pinagbabawalan. Darating din ang tamang araw para sa ligawan, pero hindi pa ngayon. Tumutok ka muna sa pag-aaral mo para makapagtapos ka at matupad ang pa-ngarap ng mga magulang mo para sa iyo.

Huwag mo kailan man isipin ang ma-ging pasaway sa magulang dahil lalong hindi makabubuti iyan para sa iyo.

Dr. Love

 

vuukle comment

PARENTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with