^

Dr. Love

‘May nakauna na’ sa gf

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang ninyo akong JM. Magpapa-advice po ako about doon sa friend ko, ‘di ko po kasi alam kung ano ang maganda i-advice. Kayo po kasi ‘yung magaling tungkol sa mga relationship, kaya sa naisip ko po sumulat.

Three years na sila ng girl. Mabait naman at masaya sila sa kanilang relationship. Hanggang nagkukweto na ang girl na hindi ang friend ko ang “nakauna” sa kanya.

Tinatanung niya po ako about doon sa girl niya. He actually love the girl pero na bother daw po siya sa past nito. Hindi niya matanggap, like ang dami raw po nitong experience in bed and hindi daw po mabilang.

Hindi ko po alam kung ano magandang i-advise. Ang sinabi ko na lang, basta faithful ‘yung girl sa’yo at mahal ka, dapat mag-take risk at ingatan mo pa rin ‘yung girl.

Tama po ba ‘yung advise ko?  Sinikap kong iparating sa inyo ang problema niya para mabigyan siya ng mas maayos na advise. Sa ganitong paraan alam kong makakatulong kayo ng higit sa kanya.

Maraming salamat po.

JM

Dear JM,

Una, paalala sa mga kababaihan na huwag pumayag maki-sex sa inyong bf, para na rin sa inyong kaligtasan.

Madalas ang mga babaeng “may nakauna na” ay napaparatangan ng hindi maganda. Sabihin na nating nagkamali. Nagmahal, nagsiping, niloko, inayawan at iniwan. Nagmahal uli at ganun na naman ang nangyari. Naging paulit-ulit na.

Pakisabi mo sa iyong kaibigan kung mahal niya talaga si girl, respeto ang una niyang ipakita. Ang pinakamahalaga, kahit anong nakaraan niya ay nirerespeto mo siya.

Ang challenge ko sa kaibigan mo, kung hindi niya matanggap si girl ay huwag na lang niya ikwento sa mga kaibigan niya.

Madali lang naman kung alam niyang hindi deserving ang girl, layuan na lang kaysa iba ang tingin niya sa karelasyon niya.

Let her go. Kasi may taong tatangap sa kanya, kung hindi niya ito kayang gawin.

DR. LOVE

vuukle comment

JM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with