^

Dr. Love

Dalawang kabiguan

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Madalas kong sisihin ang Diyos sa mga nangyayaring kapighatian sa aking buhay. Tawagin mo na lang akong Regina, 37 anyos at may kinakasamang lalaki.

Hindi siya ang unang lalaking kinasama ko. Ang una ay malupit at pinagbubuhatan ako ng kamay. May pagkakataon pa nang hatawin niya ako ng kahoy sa ulo at nawalan ako ng malay. Dalawang taon akong nagtiis sa piling niya. Sa kalupitan niya, dalawang beses akong nagbuntis pero nalaglag bago naisilang dahil sa pagmamaltrato niya.

Palibhasa ay siga-siga sa aming lugar, nakatagpo siya ng katapat at binaril siya sa ulo na siya niyang ikinamatay. Hindi nagtagal at mayroon akong bagong kinasama. Noong una ay halos ipangako niya ang langit at lupa sa akin. Pero sa paglipas ng panahon ay naging masahol pa siya sa una kong kinasama.

Hindi lang siya nananakit, kundi sugarol at babaero pa. Ang kaunting kinikita ko sa pagtitinda ng kakanin ay inuubos sa sugal. Kung wala akong maintrega ay sinasaktan niya ako.

Nang magkaroon ako ng sakit na tb ay nilayasan niya ako. Mabuti at may pamangkin akong kumupkop sa akin. Ano ang kasalanan ko at puro kapighatian ang dinaranas ko?

Regina

Dear Regina,

Ang dinaranas mong pasakit ngayon ay bunga ng mga maling desisyon mo noon at wala kang ibang masisisi kundi ang iyong sarili. Hindi mo dapat sisihin ang Diyos sa nangyayari sa iyong buhay.

Tayo ay binigyan ng laya ng Diyos para magdesisyon sa ating sarili. Ibinigay rin niya ang mga panuntunang dapat nating pagbatayan sa mga desisyong gagawin natin pero nasa atin kung susunod tayo o hindi.

Iturin mong mga aral ang mga nakalipas mong karanasan para hindi ka na muling madapa sa dating kinadapaan. Salamat na lang at may kamag-anak kang kumandili sa iyo. Magpagaling ka sa iyong karamdaman at magbagong buhay.

Dr. Love

vuukle comment

LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with