^

Dr. Love

Mahilig sa teleserye si Misis

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin na lang ninyo akong Egay. Hindi ko maintindian kung bakit masyadong matampuhin ang misis ko. Ang duda ko, dahil sa kapapanood niya ng mga teleserye na tungkol sa agawan ng asawa. Hindi naman siya ganyan noon. Hindi niya ipinapakita na galit o nagseselos siya.

Ngayon nag-iinarte siya, ma-late lang ako ng konti sa pag-uwi, tanong na siya nang tanong kung saan pa ako nagdaan at bakit ako natagalan umuwi?

Agad ko naman siyang sinusuyo. Minsan nang magluto siya ng ampalaya, nagtampo siya dahil hindi ko siya agad nasagot na masarap ang luto niya. Walang kapait-pait. Nang sinabi ko na masarap ang luto niya, hindi siya naniwala bagkus sinabi pa niya na sinabi ko lang ‘yun para hindi siya magtampo.

Para siyang bata. Nalilito ako, sa simula ang ganda ng mood niya bigla na lang nagbabago kapag may nabanggit akong pangalan ng babae.

Sinabihan ko na siya na huwag nang manood ng mga teleseryeng agawan ng asawa dahil naapektuhan na siya.

Mabuti mabilis lang siya magbago ng mood. Hindi siya nagtatanim ng galit. Dinadaan ko na lang minsan sa pag-inom ng alak para hindi ko siya patulan.

Egay

Dear Egay,

Maraming salamat sa iyong ibinahagi. Mayroon talagang epekto ang pinanonood ng misis mo psychological at emotional.

Naaalala niya ito kapag nahahalintulad ang kanyang sitwasyon sa pinanood niya. Kaya kausapin mo siya ng masinsinan tungkol dito. Baka naman may pinaghuhugutan pa siyang iba. Baka nagkukulang ka ng atensyon sa kanya?

Huwag ka naman iinom ng alak, baka naman ikaw na ang maging emosyonal kapag nalasing ka. Mas dagdag mo ang oras mo sa iyong asawa para hindi siya nag-iisip ng kung anu- ano. Gawin mong espesyal para sa kanya ang araw-araw para mawala ang kanyang pagdududa.

Kapag napatunayan mong hindi ka tulad ng ibang lalaki, siya na ang mahihiya sa iyo. Dahil sa tindi ng pagmamahal mo at sa atensyon na ibinibigay mo sa kanya.

Dr. Love

vuukle comment

DR.LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with