^

Dr. Love

Dahil sa aksidente

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Kahit nabubuhay pa ang asawa ko, para akong namatayan ng isang uliran at mabait na kabiyak. Tawagin mo na lang akong Edna, 40 anyos.

Mabuting asawa si Delfin at napaka-responsable. Isa siyang ordinaryong kawani sa isang opisina ng pamahalaan pero hindi kami kinakapos. Kaya lang isang matinding dagok ang nangyari sa aming pamilya.

Naaksidente sa motorsiklo ang asawa ko at dumanas ng matinding head injury. Tatlong araw siya bago nagkamalay at malaki ang pasasalamat ko dahil nakaligtas siya.

Taong 2020 nang mangyari yaon. Sabi ng doktor, humanda raw ako sa magiging pagbabago ng kanyang ugali. At totoo nga. Hindi na siya ang dating mabait at ulirang asawa.

Siya ay naging palaaway kaya naalis siya sa trabaho matapos suntukin ang kapwa empleyado. Madalas din siyang mapaaway sa aming community at ako na lang ang humihingi lagi ng dispensa sa mga taong sinusungitan niya.

Kahit sa akin at sa aming mga anak ay masungit siya bagama’t hindi naman kami sinasaktan.

Ano po ng dapat kong gawin?

Edna

Dear Edna,

Sa hirap at ginhawa kayo ay magsasama, iyan ang sinumpaan ninyo nang kayo ay magpakasal.

Sa palagay ko ay kailangan ni Delfin na ma-rehab matapos ang aksidenteng sinapit niya. Marahil, sariwa pa ang trauma na naidulot sa kanyang utak pero naniniwala ako na babalik din siya sa normal pagdating ng tamang panahon.

Samantala, unawain mo ang kalagayan niya at patuloy mong ipadama sa kanya ang iyong pagmamahal. Makatutulong iyan para manumbalik ang katinuan ng kanyang isip.

Dr. Love

 

 

 

 

 

 

 

 

 

vuukle comment

ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with