^

Dr. Love

Nawalan ng raket

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po si April Boy ng Tondo. Mahilig po kasi akong kumanta at kaboses ko nga raw ang aking idol. Medyo lamang lang ng maraming paligo ang idol ko. Maputi siya at maangas ang dating. Pero sa boses copy-paste ang dating.

Ito na ang naging raket ko, bukod sa pagi-ging tanod ko sa aming barangay.

Syempre tulad ng iba, eto ako ngayon nawalan ng raket. Sa fb na lang ako sumi-simple ng mga music videos ko. Kaso nakiki-internet lang ako. Kasi kung magpapakabit pa kami ng internet, eh sa pagkain ko na lang ilalaan.

Si misis ay pilitan na ring maglako ng kakanin. Diskarte kami ng matindi para hindi magutom sa masalimuot na delot ng pandemic na ito.

Pero sa kabila ng lahat ay laking pasasa-amat ko pa rin na nanantiling buo at malusog ang bawat miyembro ng aming pamilya.

Hindi ko lang po talaga maiwasang malungkot dahil hindi na gaya ng dati ang aking kinikita. Bilang padre de pamilya, mahirap para sa akin na makitang nahihirapan sila.

Anuman po ang mangyari, sa mga gaya ko na nawalan ng raket ay huwag tao mawawalan ng pag-asa.

Tuloy pa rin ang buhay.

April Boy ng Tondo

Dear April Boy,

Lahat tayo ay apektado ng pandemic lalo na ngayon na maraming umusbong na uri ng virus.

Huwag mo na palabasin ang mga anak mo.

Si misis mo, huwag mo ay huwag mo nang papuntahin sa malalayong lugar para maglako.

Kung pwede d’yan na lang sa harap ng bahay ninyo siya magtinda ng mga kakanin. Ikaw din, sa pagtatanod mo ingat lang. Dahil walang pinipli ang  covid, may chairman na ngang nadale.

Tama ang ginagawa mo sa fb o kaya mag-youtube ka para makilala ka. Wala na si Idol para maalala nilang ang mga magagandang awitin na iniwan niya sa atin.

Laging tandaan ang health protocols, magsuot lagi ng face mask at face shield, at magdala ng alcohol. May awa ang Diyos sa atin, hindi niya tayo pababayaan.

Dr. Love

vuukle comment

DR.LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with