^

Dr. Love

Hangad na maprotektahan ang mga magulang

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Apat na taon na akong nagwo-work sa isang insurance company. Marami akong kinikita at naging maganda naman ang resulta sa buhay naming mag-asawa. Kaso nang dumating ang pandemic, medyo humina ang kinikita ko dahil minsan lang ako makalabas.

Syempre mas malakas ang kita kapag face to face ang appointment sa clients.

Mayroon din naman akong nako-close kaya tuloy pa rin ang kita. Pati nga si papa ay binilhan ko na rin ng insurance kasama na ang burial benefits dun.

Nagagalit ang mama ko dahil bakit gusto ko na ba raw mamatay ang papa ko?

Huwag na huwag ko raw siya bibilhan ng insurance kung gusto ko pa raw na magkasundo kami. Kahit nga ang misis ko parang kumakampi pa kay mama.

Ang hirap mapaliwanagan ni mama, kaya inilihim ko na lang sa kanya ang kanyang insu-rance para hindi magalit sa akin.

Nitong December nangyari nga ang hindi ko inaasahan. Inatake sa puso si papa. Mabuti at naagapan. Kaya naman nag-init lalo ang ulo ni mama sa akin. Kahit na may nakuha kaming pera galing sa aming company.

Talagang may galit daw ako sa papa ko kaya siguro binili ko siya ng insurance.

Mahirap talagang makaunawa ang matanda. Pinagdarasal ko nga na huwag munang kunin ni Lord ang papa ko, kundi patay ako sa mama ko.  Wala naman akong ibang maialay sa aking mga magulang kundi ang maprotektahan sila lalo na sa panahon na kailangan nila ang pera.

Jaekob

Dear Jaekob,

Wala kang dapat pagsisihan o panghinayangan sa ginawa mo para sa iyong mga magulang. Kahit ako ang nasa kalagayan mo, syempre priority natin ang ating mga mahal sa buhay. Ibili mo na rin ang misis mo at anak mo ng insurance kung maaari.

Malaking bagay ang may mapagkukunan ng pera lalo na sa mga panahong ganyan.

Huwag mo na lang patulan ang mama mo. Wala naman ibang makikinabang nun kundi sila rin.

Dr. Love

vuukle comment

DR.LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with