^

Dr. Love

Ang seminarista

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ten years old pa lang ako ay ambisyon ko nang maging pari. Pangarap ko nga noon na ako ang magiging kaunaunahang Santo Papa na Pilipino.

Bago ang ordinasyon, pinapayagan ang mga gustong magpari na lumabas ng seminaryo para mapagbulayan kung talagang gusto nila ang pag­pasok sa bokasyong ito.

Hindi ko akalain na sa paglabas ko ng seminaryo ay makatagpo ako ng babaeng magpapatibok ng aking puso. Nagkaroon kami ng relasyon at may namagitan sa amin. Nalaman kong ako ang unang lalaki sa buhay niya.

Nagulat ako nang sabihin niya sa akin na nagdadalang-tao siya. Mahal ko naman siya talaga pero nagdadalawang-isip. Hindi ako makapagpasya hanggang sa ngayon. Sino ang pipiliin ko, ang Diyos o ang aking kasintahan? Pagpayuhan mo po ako.

Marty

Dear Marty,

May pananagutan ka sa kasintahan mo na tinamnan mo ng buhay sa kanyang sinapupunan. Una sa lahat, nagkaroon ka ng pakikipagrelasyong seksuwal sa isang babae nang hindi kayo kasal at isinaisantabi mo ang katawagan na ikaw ay magsil­bing alagad ng Diyos.

Marami namang ibang paraan para makapagsilbi sa Diyos. Kabilang na riyan ang pagiging mabuting ama sa iyong magiging supling at sa ina ng isisilang na sanggol. Ang pagpapalabas sa seminaryo ng mga ibig magpari ay isang pagsubok para tiyakin na ang mga magpapari ay handang mabuhay nang celibate at hindi ka nakapasa sa ganyang pagsusulit.

Dr. Love

vuukle comment

DR.LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with