^

Dr. Love

Sensationalized selos

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang ninyo akong Diday. Nagtalo kami nang pansinin ko ang panay na paggamit niya ng credit card. Tapos ang inungkat na niya ay panay raw na pagseselos ko.

Dr. Love marami pa kasi akong bayarin, bukod pa roon ang upa, tubig at kuryente, maging ang pang-araw-araw naming gastusin.

Hanggang sa makita ko na lang ang uploaded niyang video sa fb na sobra na raw ang pagseselos ko kahit wala naman daw akong dapat pagselosan.

Kasunod nun ay tumambad sa aking newsfeed ang pinost na picture ng asawa ko na may kasamang girl. Hindi ko siya kilala at sa probinsiya pa ang kuha nila. Tama pala ang kutob ko na may itinatago siya sa akin.

Paanong hindi ako magseselos ng ganyan. Panay naman ang tanggi niya sa mga picture nila. Paninira lang daw ‘yun ng ibang tao.

Una, hindi naman siya artista para siraan. Siya mismo ang sumisira sa reputasyon niya. Hindi siya umuuwi sa amin ngayon baka nandun siya sa babae niya.

Nagtiwala ako tapos ako pa ang nasisisi ngayon dahil sa pagseselos ko.  Ang problema ko, marami ang nagko-comment na hindi naman alam ang tunay na nangyayari sa amin. Binababoy pa nila ang picture ko na nakasima-ngot at may mga caption na uwee! Uwee! Kapag nainis ako, ipapa-Tulfo ko na siya.

Diday

Dear Diday,

Hangga’t maaari, iwasan ninyo ang mag-post sa social media. Talagang pagpipyestahan kayo ng mga netizens. Gumawa ka na lang ng bago mong account at huwag mo nang sagutin pa ang mga nagko-comment at mga post ng asawa mo.

Hindi mo na mababawi ang mga nagiging comment sa inyo. Mag-set ka ng isang araw na makapag-usap kayong dalawa ng karelasyon mo para maging malinaw ang lahat.

Ayusin ninyo na kayo lang dalawa ang lahat ng hindi ninyo mapagkasunduan para maging malinaw ang lahat.

Dapat nga sa barangay muna kayo dumulog para legal ang lahat ng inyong paratang sa isa’t isa at para malaman ang dapat ninyong gawin sa relasyon ninyo. Mag-ingat ka sa mga salita at gawa mo para hindi na lumalala nang lumalala ang inyong problema.

Dr. Love

vuukle comment

DR.LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with