^

Dr. Love

Nabuburyong sa lockdown

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Biyudo na ako at ang edad ko ay 77 anyos na. Retirado na rin ako sa dati kong trabaho na supervisor sa pagawaan ng biskwit. Kahit medyo maluwag na ang ipinatutupad na quarantine rules, hindi pa rin ako makalabas ng tahanan dahil kailangan ko na ng kasama kung lalabas dahil sa edad ko at sa aking pisikal na kondisyon.

Dalawa sa mga anak ko ang kasama ko sa bahay, kasama ang kanilang mga asawa. Pero sila ay may kani-kaniyang trabaho. Nililibang ko na lang ang sarili ko sa panonood ng tv at sa FaceBook.

Maski papaano, nakakaalis ito ng aking pagkaburyong. Marami naman ang friends ko kasama si Felicita na isang biyuda na ang edad ay 70. Sa pala-ging pag-uusap namin sa messenger, nagkakaroon kami ng pagkakaunawaan.

Katulad ko, nababagot din siya sa pagiging bilanggo sa sariling bahay. Madalas kaming mag-video chat na inaabot ng isa o dalawang oras. Para kaming mga teenager na hindi nagsasawa sa isa’t isa. Hindi pa kami nagkikita at gusto naming magkita na kami.

Gusto kong i-request sa anak kong may kotse na ihatid ako sa bahay ni Felicita pero nahihiya akong magsabi. Baka sabihing matanda na ako ay lumalandi pa.

Ano ang gagawin ko?

Meynardo

Dear Meynardo,

Walang matanda pagdating sa pag-ibig. Basta’t eligble naman kayo ng babaeng minamahal mo, walang masama kahit magpakasal pa kayo.

Ang Diyos ay lumikha ng kapareha para sa bawat tao dahil alam niyang hindi makabubuti para sa sino man ang mag-isa. Tama ka. Hilingin mo sa anak mo na ihatid ka sa bahay ni Felicita. Huwag kang mahihiyang magsabi na muling nabuhay ang puso mo para umibig.

Sa edad mo ngayon, ang pagtibok ng puso mo ay malamang magpahaba pa ng ilang taon sa iyong buhay. Baka matuwa pa ang iyong anak dahil ang kanyang tatay ay marunong pang magmahal.

Dr. Love

 

vuukle comment

DR LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with