^

Dr. Love

Nawawala sa sarili

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Kumusta po kayo, Dr. Love? Ako po si Mrs. Natividad Ekko, 54 anyos at ito po ay tungkol sa anak kong binata na nawala sa katinuan ang pag-iisip sapul nang pagtaksilan siya ng kanyang kasintahan.

Mahal na mahal ni Marlo si Fina at nakatakda na silang ikasal noong nakaraang taon bago nangyari ang pandemya.  Naihanda na ang wedding invitations at naipadala na sa mga piling bisita, pati  na sa mga ninong at ninang.

Wala kaming makitang dahilan kung bakit sa huling sandali ay umatras ang babae. Nabalitaan namin na nakipagtanan siya sa ibang lalaki.

Paano nangyari ‘yun gayung nasaksihan ko kung gaano kalaki ang pagmamahal niya sa aking anak. Mayaman at isa umanong US citizen ang lalaking sinamahan niya.

Mahirap lang na kagaya namin ang pamilya ng babae at may terminal cancer pa ang tatay niya, kaya marahil napilitan siyang pumatol sa mayaman. Nauunawaan ko ‘yun pero ang naging kapalit ay ang pagkawala sa sarili ng aking anak na minsan ng nagtangkang magbigti kaya lagi akong nakatutok sa kanya 24/7. Ano ang gagawin ko?

Natividad

Dear Natividad,

Una sa lahat, ipagamot mo na sa psychiatrist ang anak mo. Medyo mahal magpakonsulta pero gawan mo ng paraan dahil anak mo ang dinapuan ng karamdaman sa isip.

Sa palagay ko, ang nararamdaman niya ngayon ay pansamantalang kondisyon lang at malalampasan din niya sa sandaling makatagpo siya ng ibang babaeng mamahalin.

Lagi mo siyang kausapin at huwag mo nang sasariwain sa kanya ang mapait niyang karanasan. Sabihin mo sa kanya na maganda ang buhay at dapat ipagpasalamat ang lahat ng biyaya ng Diyos na dumarating sa atin.

Ipanalangin mo na malampasan niya ang kinakaharap niyang krisis.

Encourage mo siyang mamasyal at makisalamuha sa ibang tao at kung maaari, manligaw ng iba. Sabihin mo na hindi dapat matapos sa pag-ikot ang kanyang daigdig at oras na para mag-move on.

Dr. Love

 

 

 

 

 

 

 

 

vuukle comment

DR LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with